Awit
Maskil. Ni David, nang siya ay nasa yungib.+ Isang panalangin.
142 Sa pamamagitan ng aking tinig ay humingi ako ng saklolo kay Jehova;+
Sa pamamagitan ng aking tinig ay humiling ako ng lingap kay Jehova.+
2 Sa harap niya ay patuloy kong ibinuhos ang aking pagkabahala;+
Sa harap niya ay patuloy kong isinaysay ang tungkol sa aking kabagabagan,+
3 Nang ang aking espiritu+ ay manlupaypay sa loob ko.
Sa gayon ay nalaman mo ang aking daan.+
Sa landas na nilalakaran ko+
Ay nagtago sila ng bitag para sa akin.+
4 Tumingin ka sa kanan at masdan mo
Na walang sinumang kumikilala sa akin.+
Ang aking dakong matatakasan ay naglaho sa akin;+
Walang sinumang humahanap sa aking kaluluwa.+