Awit
Awitin ni David.
143 O Jehova, dinggin mo ang aking panalangin;+
Pakinggan mo ang aking pamamanhik.+
Sa iyong katapatan ay sagutin mo ako sa iyong katuwiran.+
2 At huwag kang pumasok sa kahatulan na kasama ng iyong lingkod;+
Sapagkat sa harap mo ay walang sinumang buháy ang maaaring maging matuwid.+
3 Sapagkat tinugis ng kaaway ang aking kaluluwa;+
Dinurog niya ang aking buhay hanggang sa mismong lupa.+
Pinatahan niya ako sa madidilim na dako tulad ng mga patay hanggang sa panahong walang takda.+
5 Naaalaala ko ang mga araw noong sinaunang panahon;+
Binubulay-bulay ko ang lahat ng iyong mga gawa;+
Kusang-loob kong itinutuon ang aking pansin sa gawa ng iyong mga kamay.+
6 Iniunat ko sa iyo ang aking mga kamay;+
Ang aking kaluluwa ay tulad ng lupaypay na lupain na nauuhaw sa iyo.+ Selah.
7 O magmadali ka, sagutin mo ako, O Jehova.+
Ang aking espiritu ay sumapit na sa kawakasan.+
Huwag mong ikubli sa akin ang iyong mukha,+
At baka ako ay maging kahambing niyaong mga bumababa sa hukay.+
8 Sa umaga ay iparinig mo sa akin ang iyong maibiging-kabaitan,+
Sapagkat sa iyo ako naglalagak ng aking tiwala.+
Ipaalam mo sa akin ang daan na dapat kong lakaran,+
Sapagkat sa iyo ay itinaas ko ang aking kaluluwa.+
10 Turuan mo akong gawin ang iyong kalooban,+
Sapagkat ikaw ang aking Diyos.+
Ang iyong espiritu ay mabuti;+
Patnubayan nawa ako nito sa lupain ng katuwiran.+