Awit
Awitin ni David.
2 Sa mga madamong pastulan ay pinahihiga niya ako;+
Sa tabi ng mga pahingahang-dako na natutubigang mainam ay pinapatnubayan niya ako.+
3 Ang aking kaluluwa ay kaniyang pinagiginhawa.+
Inaakay niya ako sa mga landas ng katuwiran alang-alang sa kaniyang pangalan.+
4 Bagaman lumalakad ako sa libis ng matinding karimlan,+
Wala akong kinatatakutang masama,+
Sapagkat ikaw ay kasama ko;+
Ang iyong tungkod at ang iyong baston ang siyang umaaliw sa akin.+