Awit
Ni David. Isang awitin.
2 Sapagkat inilagay niya ito nang matatag sa ibabaw ng mga dagat,+
At pinananatili niya itong nakatatag nang matibay sa ibabaw ng mga ilog.+
4 Ang sinumang walang-sala ang mga kamay at malinis ang puso,+
Siyang hindi nagdala ng Aking kaluluwa sa lubos na kawalang-kabuluhan,+
Ni nanumpa man nang may panlilinlang.+
5 Magdadala siya ng pagpapala mula kay Jehova+
At ng katuwiran mula sa kaniyang Diyos ng kaligtasan.+
6 Ito ang salinlahi ng mga humahanap sa kaniya,
Ng mga nagsasaliksik ng iyong mukha, O [Diyos ni] Jacob.+ Selah.
7 “Itaas ninyo ang inyong mga ulo, O kayong mga pintuang-daan,+
At tumindig kayo, O kayong mga namamalaging pasukan,+
Upang makapasok ang maluwalhating Hari!”+
8 “Sino nga ba ang maluwalhating Haring ito?”+
“Si Jehova na malakas at makapangyarihan,+
Si Jehova na makapangyarihan sa pagbabaka.”+