Awit
Ni David.
א [Alep]
25 Sa iyo, O Jehova, ay itinataas ko ang akin mismong kaluluwa.+
ב [Bet]
2 O Diyos ko, sa iyo ako naglalagak ng aking tiwala;+
O huwag nawa akong mapahiya.
Huwag nawang magbunyi sa akin ang aking mga kaaway.+
ג [Gimel]
3 Gayundin, walang sinuman sa mga umaasa sa iyo ang mapapahiya.+
Mapapahiya silang mga nakikitungo nang may kataksilan nang walang tagumpay.+
ד [Dalet]
ה [He]
5 Palakarin mo ako sa iyong katotohanan at turuan mo ako,+
Sapagkat ikaw ang aking Diyos ng kaligtasan.+
ו [Waw]
Sa iyo ako umaasa buong araw.+
ז [Zayin]
6 Alalahanin mo ang iyong kaawaan,+ O Jehova, at ang iyong mga maibiging-kabaitan,+
Sapagkat ang mga iyon ay mula pa noong panahong walang takda.+
ח [Ket]
7 Ang mga kasalanan ng aking kabataan at ang aking mga pagsalansang O huwag mong alalahanin.+
Alalahanin mo ako ayon sa iyong maibiging-kabaitan,+
Alang-alang sa iyong kabutihan, O Jehova.+
ט [Tet]
י [Yod]
9 Palalakarin niya ang maaamo sa kaniyang hudisyal na pasiya,+
At ituturo niya sa maaamo ang kaniyang daan.+
כ [Kap]
10 Ang lahat ng landas ni Jehova ay maibiging-kabaitan at katapatan
Para sa mga tumutupad ng kaniyang tipan+ at ng kaniyang mga paalaala.+
ל [Lamed]
11 Alang-alang sa iyong pangalan, O Jehova,+
Patawarin mo ang aking kamalian, sapagkat iyon ay mabigat.+
מ [Mem]
12 Sino nga ang taong natatakot kay Jehova?+
Tuturuan niya siya hinggil sa daan na kaniyang pipiliin.+
נ [Nun]
ס [Samek]
14 Ang matalik na kaugnayan kay Jehova ay nauukol sa mga natatakot sa kaniya,+
Gayundin ang kaniyang tipan, upang ipaalam iyon sa kanila.+
ע [Ayin]
15 Ang aking mga mata ay laging nakatuon kay Jehova,+
Sapagkat siya ang naglalabas ng aking mga paa mula sa lambat.+
פ [Pe]
16 Iharap mo sa akin ang iyong mukha, at pagpakitaan mo ako ng lingap;+
Sapagkat ako ay nag-iisa at napipighati.+
צ [Tsade]
ר [Res]
18 Tingnan mo ang aking kapighatian at ang aking kabagabagan,+
At pagpaumanhinan mo ang lahat ng aking mga kasalanan.+
19 Tingnan mo kung gaano na karami ang aking mga kaaway,+
At napopoot sila sa akin ng marahas na pagkapoot.+
ש [Shin]
20 Bantayan mo ang aking kaluluwa at iligtas mo ako.+
Huwag nawa akong mapahiya, sapagkat nanganganlong ako sa iyo.+
ת [Taw]
22 O Diyos, tubusin mo ang Israel mula sa lahat ng kaniyang mga kabagabagan.+