Awit
Ni David. Maskil.
32 Maligaya siya na ang kaniyang pagsalansang ay pinagpapaumanhinan, na ang kaniyang kasalanan ay tinatakpan.+
2 Maligaya ang tao na sa kaniya ay hindi nagpapataw ng kamalian si Jehova,+
At sa kaniyang espiritu ay walang panlilinlang.+
3 Nang manahimik ako ay nanghina ang aking mga buto dahil sa pagdaing ko buong araw.+
4 Sapagkat sa araw at gabi ay mabigat ang iyong kamay sa akin.+
Ang halumigmig ng aking buhay ay nabagong gaya ng tuyong init ng tag-araw.+ Selah.
5 Ang aking kasalanan ay ipinagtapat ko sa iyo sa wakas, at ang aking kamalian ay hindi ko pinagtakpan.+
Sinabi ko: “Ipagtatapat ko ang tungkol sa aking mga pagsalansang kay Jehova.”+
At pinagpaumanhinan mo ang kamalian ng aking mga kasalanan.+ Selah.
6 Dahil dito ay dadalangin sa iyo ang bawat isa na matapat+
Sa panahon lamang na masusumpungan ka.+
Kung tungkol sa baha ng maraming tubig, hindi siya maaabutan nito.+
7 Ikaw ay dakong kublihan ko; iingatan mo ako mula sa kabagabagan.+
Palilibutan mo ako ng mga hiyaw ng kagalakan sa paglalaan ng pagtakas.+ Selah.
8 “Pagkakalooban kita ng kaunawaan at tuturuan kita hinggil sa daan na dapat mong lakaran.+
Magpapayo ako habang ang aking mata ay nakatingin sa iyo.+
9 Huwag kayong maging gaya ng kabayo o ng mula na walang pagkaunawa,+
Na ang sigla ay kailangang supilin ng renda o ng preno+
Bago sila lumapit sa iyo.”+