Awit
33 Humiyaw kayo nang may kagalakan, O kayong mga matuwid, dahil kay Jehova.+
Mula sa mga matapat ay nararapat ang papuri.+
2 Magpasalamat kayo kay Jehova taglay ang alpa;+
Sa panugtog na may sampung kuwerdas+ ay tumugtog kayo para sa kaniya.
3 Umawit kayo sa kaniya ng isang bagong awit;+
Pagbutihin ninyo ang pagtugtog sa mga de-kuwerdas kasabay ng mga sigaw ng kagalakan.+
6 Sa pamamagitan ng salita ni Jehova ay nalikha ang langit,+
At ang buong hukbo nila ay sa pamamagitan ng espiritu ng kaniyang bibig.+
7 Tinitipon niyang gaya ng sa prinsa ang tubig ng dagat,+
Na inilalagay sa mga imbakan ang dumadaluyong na tubig.
8 Matakot nawa kay Jehova ang lahat ng nasa lupa.+
Katakutan nawa siya ng lahat ng tumatahan sa mabungang lupain.+
11 Hanggang sa panahong walang takda ay tatayo ang layon ni Jehova;+
Ang mga kaisipan ng kaniyang puso ay sa sali’t salinlahi.+
15 Inaanyuan niya ang mga puso nilang lahat;+
Isinasaalang-alang niya ang lahat ng kanilang mga gawa.+
16 Walang hari ang naililigtas ng dami ng hukbong militar;+
Ang makapangyarihang lalaki ay hindi naililigtas ng saganang lakas.+
17 Ang kabayo ay isang panlilinlang sa pagliligtas,+
At sa pamamagitan ng saganang kalakasan nito ay hindi ito makapaglalaan ng pagtakas.+
18 Narito! Ang mata ni Jehova ay nakatingin sa mga may takot sa kaniya,+
Sa mga naghihintay sa kaniyang maibiging-kabaitan,+
19 Upang iligtas ang kanilang kaluluwa mula sa kamatayan,+
At upang ingatan silang buháy sa taggutom.+