Awit
Ni David, noong panahon ng pagbabalatkayo niya ng kaniyang katinuan+ sa harap ni Abimelec, anupat pinalayas siya nito, at siya ay umalis.
א [Alep]
ב [Bet]
ג [Gimel]
ד [Dalet]
4 Nagtanong ako kay Jehova, at sinagot niya ako,+
At mula sa lahat ng aking pagkatakot ay iniligtas niya ako.+
ה [He]
5 Sila ay tumingin sa kaniya at nagningning,+
At ang kanilang mga mukha ay talagang hindi mapapahiya.+
ז [Zayin]
6 Ang napipighating ito ay tumawag, at dininig ni Jehova.+
At mula sa lahat ng kaniyang mga kabagabagan ay iniligtas Niya siya.+
ח [Ket]
7 Ang anghel ni Jehova ay nagkakampo sa buong palibot niyaong mga may takot sa kaniya,+
At inililigtas niya sila.+
ט [Tet]
8 Tikman ninyo at tingnan na si Jehova ay mabuti;+
Maligaya ang matipunong lalaki na nanganganlong sa kaniya.+
י [Yod]
9 Matakot kayo kay Jehova, kayong mga banal niya,+
Sapagkat walang kakulangan sa mga may takot sa kaniya.+
כ [Kap]
10 Ang mga may-kilíng na batang leon ay kinakapos at nagugutom;+
Ngunit yaong mga humahanap kay Jehova, hindi sila kukulangin ng anumang bagay na mabuti.+
ל [Lamed]
11 Halikayo, kayong mga anak, makinig kayo sa akin;+
Ang pagkatakot kay Jehova ang ituturo ko sa inyo.+
מ [Mem]
12 Sino ang taong nalulugod sa buhay,+
Na umiibig sa sapat na dami ng mga araw upang makakita ng mabuti?+
נ [Nun]
13 Ingatan mo ang iyong dila laban sa kasamaan,+
At ang iyong mga labi laban sa pagsasalita ng panlilinlang.+
ס [Samek]
14 Talikuran mo ang kasamaan, at gawin mo ang mabuti;+
Hanapin mo ang kapayapaan, at itaguyod mo iyon.+
ע [Ayin]
15 Ang mga mata ni Jehova ay nakatingin sa mga matuwid,+
At ang kaniyang mga tainga ay nakatuon sa kanilang paghingi ng tulong.+
פ [Pe]
16 Ang mukha ni Jehova ay laban sa mga gumagawa ng masama,+
Upang pawiin ang pagbanggit sa kanila mula sa mismong lupa.+
צ [Tsade]
17 Sila ay dumaing, at dininig ni Jehova,+
At mula sa lahat ng kanilang mga kabagabagan ay iniligtas niya sila.+
ק [Kop]
18 Si Jehova ay malapit sa mga wasak ang puso;+
At yaong mga may espiritung nasisiil ay inililigtas niya.+
ר [Res]
19 Marami ang mga kapahamakan ng matuwid,+
Ngunit mula sa lahat ng mga iyon ay inililigtas siya ni Jehova.+
ש [Shin]
ת [Taw]