Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Deuteronomio 17:16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 16 Huwag lamang siyang magpaparami ng mga kabayo para sa kaniyang sarili,+ ni pababalikin man niya sa Ehipto ang bayan upang magparami ng mga kabayo;+ sapagkat sinabi sa inyo ni Jehova, ‘Huwag na kayong babalik pang muli sa daang ito.’

  • 2 Hari 7:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 Kaagad silang bumangon at tumakas sa kadiliman ng gabi+ at iniwan ang kanilang mga tolda at ang kanilang mga kabayo+ at ang kanilang mga asno—ang kampo na gaya ng dati—at nagpatuloy silang tumakas para sa kanilang kaluluwa.+

  • Awit 20:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  7 Sa ilan ay ang tungkol sa mga karo at sa iba ay ang tungkol sa mga kabayo,+

      Ngunit, para sa amin, ang tungkol sa pangalan ni Jehova na aming Diyos ang aming babanggitin.+

  • Kawikaan 21:31
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 31 Ang kabayo ay inihahanda para sa araw ng pagbabaka,+ ngunit ang kaligtasan ay kay Jehova.+

  • Isaias 31:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 31 Sa aba niyaong mga bumababa sa Ehipto upang magpatulong,+ yaong mga nananalig sa hamak na mga kabayo,+ at naglalagak ng kanilang tiwala sa mga karong pandigma,+ dahil marami ang mga iyon, at sa mga kabayong pandigma, dahil napakalakas ng mga iyon, ngunit hindi tumitingin sa Banal ng Israel at hindi humahanap kay Jehova.+

  • Oseas 14:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 Hindi kami ililigtas ng Asirya.+ Sa mga kabayo ay hindi kami sasakay.+ At hindi na namin sasabihin: “O aming Diyos!” sa gawa ng aming mga kamay, sapagkat dahil sa iyo kung kaya ang batang lalaking walang ama ay pinagpapakitaan ng awa.’+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share