Awit
Isang awit. Awitin ng mga anak ni Kora.+
2 Maganda sa katayugan, ang pagbubunyi ng buong lupa,+
Ang Bundok Sion sa mga dulong bahagi ng hilaga,+
Ang bayan ng Dakilang Hari.+
3 Sa kaniyang mga tirahang tore ay nahayag ang Diyos bilang matibay na kaitaasan.+
6 Ang panginginig ay nanaig sa kanila roon,+
Mga hapdi ng panganganak na gaya ng sa babaing nanganganak.+
7 Sa pamamagitan ng hanging silangan ay giniba mo ang mga barko ng Tarsis.+
8 Kung ano ang aming narinig, gayon ang aming nakita+
Sa lunsod ni Jehova ng mga hukbo, sa lunsod ng aming Diyos.+
Itatatag ito nang matibay ng Diyos hanggang sa panahong walang takda.+ Selah.
10 Gaya ng iyong pangalan,+ O Diyos, gayundin ang papuri sa iyo
Hanggang sa mga hanggahan ng lupa.
Ang iyong kanang kamay ay puspos ng katuwiran.+
11 Magsaya nawa ang Bundok Sion,+
Magalak nawa ang mga sakop na bayan ng Juda,+ dahil sa iyong mga hudisyal na pasiya.+