Sa tagapangasiwa. Ng mga anak ni Kora. Isang awitin.
47 Lahat kayong mga bayan, ipalakpak ninyo ang inyong mga kamay.+
May-pagbubunyi kayong sumigaw sa Diyos taglay ang ingay ng hiyaw ng kagalakan.+
2 Sapagkat si Jehova, ang Kataas-taasan, ay kakila-kilabot,+
Isang dakilang Hari sa buong lupa.+
3 Susupilin niya ang mga bayan sa ilalim natin+
At ang mga liping pambansa sa ilalim ng ating mga paa.+
4 Pipiliin niya para sa atin ang ating mana,+
Ang pagmamapuri ng Jacob, na iniibig niya.+ Selah.
5 Ang Diyos ay pumailanlang kasabay ng mga sigaw ng kagalakan,+
Si Jehova kasabay ng tunog ng tambuli.+
6 Umawit kayo para sa Diyos, umawit kayo.+
Umawit kayo para sa ating Hari, umawit kayo.
7 Sapagkat ang Diyos ay Hari sa buong lupa;+
Umawit kayo, na kumikilos nang may katalinuhan.+
8 Ang Diyos ay naging hari sa mga bansa.+
Ang Diyos ay umupo sa kaniyang banal na trono.+
9 Ang mga taong mahal ng mga bayan ay nagtipun-tipon,+
Kasama ng bayan ng Diyos ni Abraham.+
Sapagkat ang mga kalasag ng lupa ay sa Diyos.+
Siya ay lubhang mataas sa kaniyang pagkakataas.+