Awit
Sa tagapangasiwa. Ng mga anak ni Kora+ na katugma sa Mga Dalaga. Isang awit.
46 Ang Diyos ay kanlungan at kalakasan para sa atin,+
Isang tulong na kaagad na masusumpungan sa panahon ng mga kabagabagan.+
2 Kaya naman hindi tayo matatakot, bagaman ang lupa ay dumanas ng pagbabago+
At bagaman ang mga bundok ay makilos patungo sa kalagitnaan ng malawak na dagat;+
3 Bagaman ang tubig nito ay humugong at umalimbukay,+
Bagaman ang mga bundok ay umuga sa pagdaluyong nito.+ Selah.
4 May ilog na ang mga daloy nito ay nagpapasaya sa lunsod ng Diyos,+
Ang kabanal-banalang maringal na tabernakulo ng Kataas-taasan.+
5 Ang Diyos ay nasa gitna ng lunsod;+ hindi ito makikilos.+
Tutulungan ito ng Diyos sa pagdating ng umaga.+
6 Ang mga bansa ay nagkaingay,+ ang mga kaharian ay nakilos;
Inihiyaw niya ang kaniyang tinig, ang lupa ay natunaw.+
7 Si Jehova ng mga hukbo ay sumasaatin;+
Ang Diyos ni Jacob ay isang matibay na kaitaasan para sa atin.+ Selah.
8 Halikayo, masdan ninyo ang mga gawa ni Jehova,+
Kung paano siya nagsagawa ng kagila-gilalas na mga pangyayari sa lupa.+
9 Pinatitigil niya ang mga digmaan hanggang sa dulo ng lupa.+
Ang busog ay binabali niya at pinagpuputul-putol ang sibat;+
Ang mga karwahe ay sinusunog niya sa apoy.+