14 Sapagkat si Jehova na iyong Diyos ay lumalakad sa loob ng iyong kampo upang iligtas ka+ at upang pabayaan sa iyo ang iyong mga kaaway;+ at ang iyong kampo ay dapat maging banal,+ upang wala siyang makitang anumang marumi sa iyo at humiwalay nga sa pagsama sa iyo.+
9 Hindi ko ilalabas ang aking nag-aapoy na galit.+ Hindi ko na muling wawasakin ang Efraim,+ sapagkat ako ay Diyos+ at hindi tao, ang Banal sa gitna mo;+ at hindi ako darating na nababagabag.