Awit
Awitin ni Asap.
79 O Diyos, ang mga bansa ay pumasok sa iyong mana;+
Dinungisan nila ang iyong banal na templo;+
Ginawa nilang bunton ng mga guho ang Jerusalem.+
2 Ibinigay nila ang bangkay ng iyong mga lingkod bilang pagkain sa mga ibon sa langit,+
Ang laman ng iyong mga matapat sa mababangis na hayop sa lupa.+
3 Ibinuhos nila ang kanilang dugo na parang tubig
Sa buong palibot ng Jerusalem, at walang sinumang maglibing.+
4 Kami ay naging kadustaan sa aming mga kalapit na bayan,+
Isang kaalipustaan at kakutyaan sa mga nasa palibot namin.+
5 O Jehova, hanggang kailan ka magagalit? Magpakailanman ba?+
Hanggang kailan magniningas na parang apoy ang iyong pag-aalab?+
6 Ibuhos mo ang iyong pagngangalit sa mga bansang hindi nakakakilala sa iyo,+
At sa mga kahariang hindi tumatawag sa iyong sariling pangalan.+
7 Sapagkat nilamon nila ang Jacob,+
At pinangyari nilang matiwangwang ang kaniyang sariling tinatahanang dako.+
8 Huwag mong alalahanin laban sa amin ang mga kamalian ng mga ninuno.+
Magmadali ka! Salubungin nawa kami ng iyong kaawaan,+
Sapagkat lubha kaming naghihikahos.+
9 Tulungan mo kami, O Diyos ng aming kaligtasan,+
Alang-alang sa kaluwalhatian ng iyong pangalan;+
At iligtas mo kami at takpan mo ang aming mga kasalanan dahil sa iyong pangalan.+
10 Bakit sasabihin ng mga bansa: “Nasaan ang kanilang Diyos?”+
Sa gitna ng mga bansa ay malaman nawa sa aming paningin+
Ang paghihiganti para sa nabubong dugo ng iyong mga lingkod.+
11 Dumating nawa sa harap mo ang pagbubuntunghininga ng bilanggo.+
Ayon sa kadakilaan ng iyong bisig ay ingatan mo yaong mga itinalaga sa kamatayan.+