Awit
Sa tagapangasiwa ng Mga Liryo.+ Isang paalaala. Ni Asap.+ Isang awitin.
2 Sa harap ng Efraim at ng Benjamin at ng Manases ay pukawin mo ang iyong kalakasan,+
At pumarito ka ukol sa aming kaligtasan.+
4 O Jehova na Diyos ng mga hukbo, hanggang kailan ka magngangalit laban sa panalangin ng iyong bayan?+
6 Inilagay mo kami sa pakikipaghidwaan sa aming mga kalapit na bayan,+
At ang aming mga kaaway ay nang-aalipusta hangga’t kinalulugdan nila.+
7 O Diyos ng mga hukbo, ibalik mo kami;+
At pagliwanagin mo ang iyong mukha, upang kami ay maligtas.+
8 Pinayaon mo ang isang punong ubas mula sa Ehipto.+
Pinalayas mo ang mga bansa, upang maitanim mo ito.+
9 Naghawan ka ng isang dako sa harap nito,+ upang mag-ugat ito at punuin ang lupain.+
11 Unti-unti nitong pinaabot ang kaniyang mga sanga hanggang sa dagat,+
At sa Ilog ang kaniyang maliliit na sanga.+
12 Bakit mo giniba ang mga batong pader nito,+
At bakit ito pinipitasan niyaong lahat ng dumaraan sa lansangan?+
13 Inuubos ito ng baboy-ramong mula sa kakahuyan,+
At nanginginain dito ang makakapal na kawan ng mga hayop sa malawak na parang.+
14 O Diyos ng mga hukbo, bumalik ka, pakisuyo;+
Tumanaw ka mula sa langit at tingnan mo at alagaan mo ang punong ubas na ito,+
15 At ang sanga na itinanim ng iyong kanang kamay,+
At tingnan mo ang anak na pinalakas mo para sa iyong sarili.+