Awit
Sa tagapangasiwa ng Gitit.+ Ni Asap.
81 O humiyaw kayo nang may kagalakan sa Diyos na ating lakas;+
May-pagbubunyi kayong sumigaw sa Diyos ni Jacob.+
2 Umpisahan ninyo ang isang awitin+ at kumuha kayo ng tamburin,+
Ng kaiga-igayang alpa kasama ng panugtog na de-kuwerdas.+
3 Sa bagong buwan, hipan ninyo ang tambuli;+
Sa kabilugan ng buwan, para sa araw ng ating kapistahan.+
5 Bilang paalaala ay iniatang niya ito kay Jose,+
Noong yumayaon siya sa lupain ng Ehipto.+
Isang wika na hindi ko alam ang lagi kong naririnig.+
6 “Inihiwalay ko ang kaniyang balikat mula sa pasanin;+
Ang kaniyang mga kamay ay nakalaya mula sa basket.+
7 Dahil sa kabagabagan ay tumawag ka, at iniligtas kita;+
Sinagot kita sa kubling dako ng kulog.+
Sinuri kita sa tubig ng Meriba.+ Selah.
8 Dinggin mo, O bayan ko, at ako ay magpapatotoo laban sa iyo,+
O Israel, kung makikinig ka sa akin.+
10 Ako, si Jehova, ang iyong Diyos,+
Ang Isa na naglabas sa iyo mula sa lupain ng Ehipto.+
Ibuka mong mabuti ang iyong bibig, at pupunuin ko.+
11 Ngunit ang aking bayan ay hindi nakinig sa tinig ko;+
At ang Israel ay hindi nagpakita ng anumang pagnanais sa akin.+
12 Kaya pinayaon ko sila sa pagkasutil ng kanilang puso;+
Lumakad sila sa kanilang sariling mga payo.+
13 O kung ang aking bayan sana ay nakikinig sa akin,+
O kung ang Israel sana ay lalakad sa aking mga daan!+
14 Ang kanilang mga kaaway ay madali kong masusupil,+
At ibabaling ko ang aking kamay laban sa kanilang mga kalaban.+