Awit
Ng mga anak ni Kora. Isang awitin, isang awit.
87 Ang kaniyang pundasyon ay nasa mga banal na bundok.+
2 Higit na iniibig ni Jehova ang mga pintuang-daan ng Sion+
Kaysa sa lahat ng mga tabernakulo ng Jacob.+
3 Maluluwalhating bagay ang sinasalita tungkol sa iyo, O lunsod ng tunay na Diyos.+ Selah.
4 Babanggitin ko ang Rahab+ at ang Babilonya+ na kabilang sa mga nakakakilala sa akin;
Narito ang Filistia+ at ang Tiro, pati ang Cus:
“Ang isang ito ay ipinanganak doon.”+