Awit
Isang awit, isang awitin ng mga anak ni Kora. Sa tagapangasiwa ng Mahalat para sa mga pagtugon. Maskil ni Heman+ na Ezrahita.
2 Sa harap mo ay darating ang aking panalangin.+
Ikiling mo ang iyong pandinig sa aking pagsusumamo.+
3 Sapagkat ang aking kaluluwa ay sawa na sa mga kapahamakan,+
At ang akin mismong buhay ay nalapit na sa Sheol.+
4 Ako ay napabilang na kasama niyaong mga bumababa sa hukay;+
Ako ay naging tulad ng matipunong lalaki na walang lakas,+
5 Napalaya na sa gitna ng mga patay,+
Tulad ng mga napatay na nakahiga sa dakong libingan,+
Na hindi mo na inalaala pa
At inihiwalay mula sa iyong matulunging kamay.+
7 Ang iyong pagngangalit ay humagis sa akin,+
At pinighati mo ako ng lahat ng iyong dumadaluyong na mga alon.+ Selah.
8 Inilayo mo sa akin ang mga kakilala ko;+
Ginawa mo akong lubhang karima-rimarim sa kanila.+
Ako ay nakakulong at hindi makalabas.+
9 Ang aking mata ay nanghina dahil sa aking kapighatian.+
Ako ay tumawag sa iyo, O Jehova, buong araw;+
Sa iyo ay iniunat ko ang aking mga palad.+
10 Gagawa ka ba ng kamangha-manghang bagay para sa mga patay na?+
O babangon ba yaong mga inutil sa kamatayan,+
Pupurihin ka ba nila?+ Selah.
11 Ipahahayag ba sa dakong libingan ang iyong maibiging-kabaitan,
Ang iyong katapatan sa dako ng pagkapuksa?+
12 Malalaman ba sa kadiliman+ ang kamangha-manghang bagay na iyong ginawa,
O ang iyong katuwiran sa lupain ng paglimot?+
13 Ngunit sa iyo, O Jehova, ay humingi ako ng tulong,+
At sa umaga ay lagi kang sinasalubong ng aking panalangin.+
14 O Jehova, bakit mo itinatakwil ang aking kaluluwa?+
Bakit mo pinananatiling nakakubli sa akin ang iyong mukha?+
15 Ako ay napipighati at muntik nang pumanaw mula pa sa aking pagkabata;+
Ako ay lubhang nagtiis ng nakatatakot na mga bagay mula sa iyo.+
16 Ang iyong mga siklab ng nag-aapoy na galit ay dumaan sa akin;+
Pinatahimik ako ng mga kakilabutan na nagmula sa iyo.+