Awit
4 At taglay ang lakas ng isang hari ay inibig niya ang kahatulan.+
Ikaw ay matibay na nagtatag ng katapatan.+
Kahatulan at katuwiran sa Jacob ang siyang pinangyari mo.+
5 Dakilain ninyo si Jehova na ating Diyos+ at yumukod kayo sa harap ng kaniyang tuntungan;+
Siya ay banal.+
6 Si Moises at si Aaron ay kabilang sa mga saserdote niya,+
At si Samuel ay kabilang sa mga tumatawag sa kaniyang pangalan.+
Tumatawag sila kay Jehova, at siya mismo ay sumasagot sa kanila.+
7 Sa haliging ulap ay nagsasalita siya sa kanila.+
Tinupad nila ang kaniyang mga paalaala at ang tuntunin na ibinigay niya sa kanila.+