Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Deuteronomio 7:21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 21 Huwag kang magigitla dahil sa kanila, sapagkat si Jehova na iyong Diyos ay nasa gitna mo,+ isang dakila at kakila-kilabot na Diyos.+

  • Deuteronomio 28:58
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 58 “Kung hindi mo maingat na tutuparin ang lahat ng mga salita ng kautusang ito na nakasulat sa aklat+ na ito upang matakot sa maluwalhati+ at kakila-kilabot+ na pangalang ito, si Jehova+ nga, na iyong Diyos,

  • Nehemias 9:32
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 32 “At ngayon, O aming Diyos, ang Diyos na dakila,+ makapangyarihan+ at kakila-kilabot,+ na nag-iingat ng tipan+ at ng maibiging-kabaitan,+ huwag nawang maliitin sa harap mo+ ang lahat ng paghihirap na sumapit sa amin,+ sa aming mga hari,+ sa aming mga prinsipe+ at sa aming mga saserdote+ at sa aming mga propeta+ at sa aming mga ninuno+ at sa iyong buong bayan mula nang mga araw ng mga hari ng Asirya hanggang sa araw na ito.+

  • Awit 8:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 O Jehova na aming Panginoon, pagkaringal ng iyong pangalan sa buong lupa,+

      Ikaw na ang dangal ay isinasalaysay sa ibabaw ng langit!+

  • Awit 66:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  3 Sabihin ninyo sa Diyos: “Anong kakila-kilabot ng iyong mga gawa!+

      Dahil sa kasaganaan ng iyong lakas ay susukut-sukot na paroroon sa iyo ang iyong mga kaaway.+

  • Awit 148:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 Purihin nila ang pangalan ni Jehova,+

      Sapagkat ang kaniyang pangalan lamang ang di-maabot sa kataasan.+

      Ang kaniyang dangal ay nasa itaas ng lupa at langit.+

  • Isaias 29:23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 23 sapagkat kapag nakita niya ang kaniyang mga anak, ang gawa ng aking mga kamay, sa gitna niya,+ pababanalin nila ang aking pangalan,+ at tiyak na pababanalin nila ang Banal ng Jacob,+ at ang Diyos ng Israel ay kanilang kasisindakan.+

  • Apocalipsis 15:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 Sino nga talaga ang hindi matatakot sa iyo,+ Jehova,+ at luluwalhati sa iyong pangalan,+ sapagkat ikaw lamang ang matapat?+ Sapagkat ang lahat ng mga bansa ay lalapit at sasamba sa harap mo,+ sapagkat ang iyong mga matuwid na batas ay nahayag na.”+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share