Exodo
19 Nang ikatlong buwan pagkalabas ng mga anak ni Israel mula sa lupain ng Ehipto,+ nang araw ring iyon, sila ay pumasok sa ilang ng Sinai.+ 2 At lumisan sila mula sa Repidim+ at pumasok sa ilang ng Sinai at nagkampo sa ilang;+ at ang Israel ay nagkampo roon sa harap ng bundok.+
3 At si Moises ay umahon patungo sa tunay na Diyos, at pinasimulan siyang tawagin ni Jehova mula sa bundok,+ na sinasabi: “Ito ang sasabihin mo sa sambahayan ni Jacob at sasalitain sa mga anak ni Israel, 4 ‘Nakita ninyo mismo kung ano ang ginawa ko sa mga Ehipsiyo,+ upang madala ko kayo sa mga pakpak ng mga agila at mailapit kayo sa akin.+ 5 At ngayon kung mahigpit ninyong susundin+ ang aking tinig at iingatan nga ang aking tipan,+ kayo ay tiyak na magiging aking pantanging pag-aari mula sa lahat ng iba pang bayan,+ sapagkat ang buong lupa ay akin.+ 6 At kayo ay magiging isang kaharian ng mga saserdote sa akin at isang banal na bansa.’+ Ito ang mga salita na sasabihin mo sa mga anak ni Israel.”
7 Kaya dumating si Moises at tinawag ang matatandang lalaki+ ng bayan at isinaysay sa harap nila ang lahat ng mga salitang ito na iniutos ni Jehova sa kaniya.+ 8 Pagkatapos niyaon ay sumagot ang buong bayan nang may pagkakaisa at nagsabi: “Ang lahat ng sinalita ni Jehova ay handa naming gawin.”+ Kaagad na ipinagbigay-alam ni Moises kay Jehova ang mga salita ng bayan.+ 9 At sinabi ni Jehova kay Moises: “Narito! Paririyan ako sa iyo sa isang madilim na ulap,+ upang marinig ng bayan kapag nagsasalita ako sa iyo,+ at upang manampalataya rin sila sa iyo hanggang sa panahong walang takda.”+ Pagkatapos ay iniulat ni Moises ang mga salita ng bayan kay Jehova.
10 At sinabi pa ni Jehova kay Moises: “Pumaroon ka sa bayan, at pabanalin mo sila ngayon at bukas, at labhan nila ang kanilang mga balabal.+ 11 At humanda sila para sa ikatlong araw, sapagkat sa ikatlong araw ay bababa si Jehova sa paningin ng buong bayan sa ibabaw ng Bundok Sinai.+ 12 At magtakda ka ng mga hanggahan para sa bayan sa palibot, na sinasabi, ‘Mag-ingat kayo na huwag kayong umahon sa bundok, at huwag ninyong hipuin ang gilid niyaon. Sinumang humipo sa bundok ay talagang papatayin.+ 13 Walang kamay na hihipo sa kaniya, sapagkat siya ay talagang babatuhin o papanain. Maging hayop man o tao, hindi siya mabubuhay.’+ Sa paghihip ng tambuling sungay ng barakong tupa+ ay makaaahon sila sa bundok.”
14 Pagkatapos ay bumaba si Moises sa bayan mula sa bundok, at pinabanal niya ang bayan; at naglaba sila ng kanilang mga balabal.+ 15 At sinabi niya sa bayan: “Humanda kayo+ sa loob ng tatlong araw. Kayong mga lalaki ay huwag lumapit sa babae.”+
16 At noong ikatlong araw nang mag-umaga na ay nagsimulang kumulog at kumidlat,+ at nagkaroon ng isang makapal na ulap+ sa ibabaw ng bundok at ng napakalakas na tunog ng tambuli,+ kung kaya nagsimulang manginig+ ang buong bayan na nasa kampo. 17 Inilabas ngayon ni Moises ang bayan mula sa kampo upang salubungin ang tunay na Diyos, at tumayo sila sa paanan ng bundok.+ 18 At ang Bundok Sinai ay umuusok sa buong palibot,+ sa dahilang si Jehova ay bumaba sa ibabaw niyaon na nasa apoy;+ at ang usok niyaon ay pumapailanlang na tulad ng usok ng isang hurnuhan,+ at ang buong bundok ay yumayanig nang malakas.+ 19 Nang patuluyang lumalakas nang lumalakas ang tunog ng tambuli, si Moises ay nagsimulang magsalita, at ang tunay na Diyos ay nagsimulang sumagot sa kaniya sa isang tinig.+
20 At bumaba si Jehova sa ibabaw ng Bundok Sinai sa taluktok ng bundok. Pagkatapos ay tinawag ni Jehova si Moises sa taluktok ng bundok, at umahon si Moises.+ 21 Sinabi ngayon ni Jehova kay Moises: “Bumaba ka, babalaan mo ang bayan, na huwag nilang tangkaing lumampas patungo kay Jehova upang tumingin at mabuwal nga ang marami sa kanila.+ 22 At ang mga saserdote na palagiang lumalapit kay Jehova ay magpabanal din ng kanilang sarili,+ upang si Jehova ay hindi lumabas laban sa kanila.”+ 23 Sa gayon ay sinabi ni Moises kay Jehova: “Ang bayan ay hindi makaaahon sa Bundok Sinai, sapagkat binabalaan mo na kami, na sinasabi, ‘Magtakda ka ng mga hanggahan sa bundok at gawin mo itong sagrado.’”+ 24 Gayunman, sinabi ni Jehova sa kaniya: “Yumaon ka, bumaba ka, at umahon ka, ikaw at si Aaron na kasama mo; ngunit ang mga saserdote at ang bayan ay huwag lumampas upang umahon patungo kay Jehova, upang hindi siya lumabas laban sa kanila.”+ 25 Sa gayon ay bumaba si Moises sa bayan at sinabihan sila.+