Kawikaan
1 Ang mga kawikaan+ ni Solomon+ na anak ni David,+ na hari ng Israel,+ 2 upang ang isa ay makaalam ng karunungan+ at disiplina,+ upang makakilala ng mga pananalita ng pagkaunawa,+ 3 upang tumanggap ng disiplinang+ nagbibigay ng kaunawaan,+ katuwiran+ at kahatulan+ at katapatan,+ 4 upang magbigay ng katalinuhan+ sa mga walang-karanasan, ng kaalaman+ at kakayahang mag-isip+ sa kabataan.
5 Ang taong marunong ay makikinig at kukuha ng higit pang turo,+ at ang taong may unawa ang siyang nagtatamo ng mahusay na patnubay,+ 6 upang makaunawa ng kawikaan at ng palaisipang kasabihan,+ ng mga salita ng mga taong marurunong+ at ng kanilang mga bugtong.+
7 Ang pagkatakot kay Jehova ang pasimula ng kaalaman.+ Ang karunungan at disiplina ang siyang hinahamak ng mga mangmang.+
8 Makinig ka, anak ko, sa disiplina ng iyong ama,+ at huwag mong iiwan ang kautusan ng iyong ina.+ 9 Sapagkat ang mga iyon ay putong na kaakit-akit sa iyong ulo+ at magandang kuwintas sa iyong leeg.+
10 Anak ko, kung hihikayatin ka ng mga makasalanan, huwag kang pumayag.+ 11 Kung sasabihin nila: “Sumama ka sa amin. Manambang tayo upang magbubo ng dugo.+ Pakubli nating abangan nang walang dahilan ang mga taong walang-sala.+ 12 Lulunin natin silang buháy+ na gaya ng Sheol,+ kahit buo pa nga, tulad niyaong mga bumababa sa hukay.+ 13 Maghanap tayo ng lahat ng uri ng mahahalagang pag-aari.+ Punuin natin ng samsam+ ang ating mga bahay. 14 Makipagsapalaran ka sa gitna namin. Magkaroon tayong lahat ng isang supot lamang”+— 15 anak ko, huwag kang yumaong kasama nila sa daan.+ Pigilan mo ang iyong paa mula sa kanilang landas.+ 16 Sapagkat ang kanilang mga paa ay yaong mga tumatakbo patungo sa lubos na kasamaan,+ at lagi silang nagmamadaling magbubo ng dugo.+ 17 Sapagkat walang kabuluhan ang paglaladlad ng lambat sa harap ng mga mata ng anumang may mga pakpak.+ 18 Kaya naman tinatambangan nila ang dugo ng mga ito;+ pakubli nilang inaabangan ang mga kaluluwa+ ng mga ito. 19 Gayon ang mga landas ng lahat ng nagtitipon ng di-tapat na pakinabang.+ Kinukuha nito ang mismong kaluluwa ng mga may-ari nito.+
20 Ang tunay na karunungan+ ay sumisigaw nang malakas sa lansangan.+ Sa mga liwasan ay inilalakas nito ang kaniyang tinig.+ 21 Sa pinakadulo ng maiingay na lansangan ay nananawagan ito.+ Sa mga pasukan ng mga pintuang-daan papasok sa lunsod ay nagsasabi ito ng kaniyang mga pananalita:+
22 “Kayong mga walang-karanasan, hanggang kailan ninyo iibigin ang kawalang-karanasan,+ at kayong mga manunuya, hanggang kailan ninyo nanasain para sa inyo ang tahasang pagtuya,+ at kayong mga hangal, hanggang kailan kayo mapopoot sa kaalaman?+ 23 Manumbalik kayo dahil sa aking saway.+ Kung magkagayon ay pabubukalin ko sa inyo ang aking espiritu;+ ipaaalam ko sa inyo ang aking mga salita.+ 24 Sapagkat ako ay tumawag ngunit tumatanggi kayo,+ iniunat ko ang aking kamay ngunit walang nagbibigay-pansin,+ 25 at pinababayaan ninyo ang lahat ng aking payo,+ at ang aking saway ay hindi ninyo tinanggap,+ 26 pagtatawanan ko rin naman ang inyong kasakunaan,+ manlilibak ako kapag dumating ang inyong pinanghihilakbutan,+ 27 kapag ang inyong pinanghihilakbutan ay dumating na tulad ng bagyo, at ang inyong kasakunaan ay makarating dito na tulad ng bagyong hangin,+ kapag dumating sa inyo ang kabagabagan at mga panahon ng kahirapan.+ 28 Sa panahong iyon ay tatawagin nila ako, ngunit hindi ako sasagot;+ hahanapin nila ako, ngunit hindi nila ako masusumpungan,+ 29 sa dahilang kinapootan nila ang kaalaman,+ at ang pagkatakot kay Jehova ay hindi nila pinili.+ 30 Hindi sila sumang-ayon sa aking payo;+ winalang-galang nila ang lahat ng aking saway.+ 31 Kaya kakain sila mula sa bunga ng kanilang lakad,+ at malilipos sila ng kanilang sariling mga panukala.+ 32 Sapagkat ang pagkasuwail+ ng mga walang-karanasan ang papatay sa kanila,+ at ang pagwawalang-bahala ng mga hangal ang sisira sa kanila.+ 33 Kung tungkol sa sinumang nakikinig sa akin, tatahan siya nang tiwasay+ at hindi maliligalig ng panghihilakbot sa kapahamakan.”+