Kawikaan
2 Anak ko, kung tatanggapin mo ang aking mga pananalita+ at pakaiingatan mo sa iyo ang aking mga utos,+ 2 upang magbigay-pansin sa karunungan ang iyong tainga,+ upang ikiling mo ang iyong puso sa kaunawaan;+ 3 bukod diyan, kung tatawag ka ukol sa pagkaunawa+ at ilalakas mo ang iyong tinig ukol sa kaunawaan,+ 4 kung patuloy mo itong hahanapin na gaya ng pilak,+ at patuloy mo itong sasaliksikin na gaya ng nakatagong kayamanan,+ 5 kung magkagayon ay mauunawaan mo ang pagkatakot+ kay Jehova, at masusumpungan mo ang mismong kaalaman sa Diyos.+ 6 Sapagkat si Jehova ay nagbibigay ng karunungan;+ sa kaniyang bibig ay nanggagaling ang kaalaman at kaunawaan.+ 7 At para sa mga matuwid ay mag-iimbak siya ng praktikal na karunungan;+ siya ay isang kalasag sa mga lumalakad sa katapatan,+ 8 sa pagmamasid sa mga landas ng kahatulan,+ at babantayan niya ang mismong daan ng kaniyang mga matapat.+ 9 Kung magkagayon ay mauunawaan mo ang katuwiran at ang kahatulan at ang katapatan, ang buong landasin ng kabutihan.+
10 Kapag ang karunungan ay pumasok sa iyong puso+ at ang kaalaman ay naging kaiga-igaya sa iyo mismong kaluluwa,+ 11 ang kakayahang mag-isip ay magbabantay sa iyo,+ ang kaunawaan ay mag-iingat sa iyo,+ 12 upang iligtas ka mula sa masamang daan,+ mula sa taong nagsasalita ng tiwaling mga bagay,+ 13 mula sa mga lumilihis sa mga landas ng katuwiran upang lumakad sa mga daan ng kadiliman,+ 14 mula sa mga nagsasaya sa paggawa ng masama,+ na nagagalak sa tiwaling mga bagay ng kasamaan;+ 15 yaong ang mga landas ay liko at mga mapanlinlang sa kanilang buong landasin;+ 16 upang iligtas ka mula sa babaing di-kilala, mula sa ibang babae+ na nagpapadulas ng kaniyang mga pananalita,+ 17 na nagpapabaya sa matalik na kaibigan ng kaniyang kabataan+ at lumimot sa mismong tipan ng kaniyang Diyos.+ 18 Sapagkat lumulubog ang kaniyang bahay sa kamatayan at ang kaniyang mga bakas ay pababa roon sa mga inutil sa kamatayan.+ 19 Walang sinuman sa mga sumisiping sa kaniya ang babalik, ni matatamo man nilang muli ang mga landas ng mga buháy.+
20 Ang layunin ay upang makalakad ka sa daan ng mabubuting tao+ at upang maingatan mo ang mga landas ng mga matuwid.+ 21 Sapagkat ang mga matuwid ang siyang tatahan sa lupa,+ at ang mga walang kapintasan ang siyang maiiwan dito.+ 22 Kung tungkol sa mga balakyot, lilipulin sila mula sa mismong lupa;+ at kung tungkol sa mga mapandaya, bubunutin sila mula rito.+