1 Tesalonica
1 Si Pablo at si Silvano+ at si Timoteo+ sa kongregasyon ng mga taga-Tesalonica na kaisa+ ng Diyos na Ama at ng Panginoong Jesu-Kristo:
Magkaroon nawa kayo ng di-sana-nararapat na kabaitan at kapayapaan.+
2 Lagi naming pinasasalamatan ang Diyos kapag binabanggit namin sa aming mga panalangin ang may kinalaman sa inyong lahat,+ 3 sapagkat walang-lubay naming isinasaisip ang inyong tapat na gawa+ at ang inyong maibiging pagpapagal at ang inyong pagbabata dahil sa inyong pag-asa+ sa ating Panginoong Jesu-Kristo sa harap ng ating Diyos at Ama. 4 Sapagkat alam namin, mga kapatid na iniibig ng Diyos, ang pagpili niya sa inyo,+ 5 sapagkat ang mabuting balita na aming ipinangangaral ay hindi dumating sa gitna ninyo sa pamamagitan lamang ng pananalita kundi sa pamamagitan din ng kapangyarihan+ at sa pamamagitan ng banal na espiritu at matibay na pananalig,+ gaya ng alam ninyo kung naging anong uri kami ng mga tao sa inyo ukol sa inyong mga kapakanan;+ 6 at kayo ay naging mga tagatulad+ sa amin at sa Panginoon,+ yamang tinanggap ninyo ang salita sa ilalim ng labis na kapighatian+ na may kagalakan sa banal na espiritu,+ 7 anupat kayo ay naging halimbawa sa lahat ng mga mananampalataya sa Macedonia at sa Acaya.
8 Ang totoo, hindi lamang nahayag ang salita ni Jehova+ mula sa inyo sa Macedonia at Acaya, kundi sa bawat dako ay lumaganap+ ang inyong pananampalataya+ sa Diyos, anupat wala na kaming anumang kailangan pang sabihin. 9 Sapagkat sila mismo ay patuloy na nagbabalita tungkol sa kung paano kami unang pumasok sa gitna ninyo at kung paano kayo bumaling sa Diyos mula sa inyong mga idolo+ upang magpaalipin sa isang buháy+ at tunay+ na Diyos, 10 at upang maghintay+ sa kaniyang Anak mula sa langit,+ na kaniyang ibinangon mula sa mga patay,+ samakatuwid ay si Jesus, na siyang nagliligtas sa atin mula sa poot na dumarating.+