12 Alinsunod dito, bilang mga pinili ng Diyos,+ banal at iniibig, damtan ninyo ang inyong sarili ng magiliw na pagmamahal na may habag,+ kabaitan, kababaan ng pag-iisip,+ kahinahunan,+ at mahabang pagtitiis.+
13 Gayunman, pananagutan namin na laging pasalamatan ang Diyos dahil sa inyo, mga kapatid na iniibig ni Jehova, sapagkat pinili kayo ng Diyos+ mula nang pasimula ukol sa kaligtasan sa pamamagitan ng pagpapabanal+ sa inyo sa espiritu+ at sa pamamagitan ng inyong pananampalataya sa katotohanan.+