5 Dinala niya siya ngayon sa labas at sinabi: “Pakisuyo, tumingala ka sa langit at bilangin mo ang mga bituin, kung talagang mabibilang mo ang mga iyon.”+ At sinabi niya sa kaniya: “Magiging gayon ang iyong binhi.”+
4 At sinabi ni Jehova sa kaniya: “Ito ang lupain na isinumpa ko kay Abraham, kay Isaac at kay Jacob, na sinasabi, ‘Sa iyong binhi ay ibibigay ko ito.’+ Ipinakita ko ito sa iyo ng iyong sariling mga mata, sapagkat hindi ka tatawid doon.”+
12 Kaya mula rin sa isang tao,+ at siya na para na ring patay,+ ay may mga anak na isinilang na gaya ng mga bituin sa langit dahil sa dami at gaya ng mga buhanging nasa tabing-dagat, di-mabilang.+