Hebreo
11 Ang pananampalataya+ ay ang mapananaligang paghihintay sa mga bagay na inaasahan,+ ang malinaw na pagtatanghal ng mga katunayan bagaman hindi nakikita.+ 2 Sapagkat sa pamamagitan nito ay pinatotohanan ang mga tao ng sinaunang mga panahon.+
3 Sa pananampalataya ay ating napag-uunawa na ang mga sistema ng mga bagay+ ay iniayos sa pamamagitan ng salita ng Diyos,+ anupat ang nakikita ay umiral mula sa mga bagay na hindi nakikita.+
4 Sa pananampalataya si Abel ay naghandog sa Diyos ng hain na lalong higit ang halaga kaysa kay Cain,+ na sa pamamagitan ng pananampalatayang ito ay pinatotohanan siya na siya ay matuwid, na ang Diyos ang nagpapatotoo+ may kaugnayan sa kaniyang mga kaloob; at sa pamamagitan nito siya, bagaman namatay siya, ay nagsasalita pa.+
5 Sa pananampalataya si Enoc+ ay inilipat upang hindi makakita ng kamatayan, at hindi siya masumpungan saanman sapagkat inilipat siya ng Diyos;+ sapagkat bago pa ang pagkakalipat sa kaniya ay nagkaroon siya ng patotoo na lubos niyang napalugdan ang Diyos.+ 6 Bukod diyan, kung walang pananampalataya+ ay imposibleng palugdan siya nang lubos,+ sapagkat siya na lumalapit sa Diyos ay dapat na maniwala na siya nga ay umiiral+ at na siya ang nagiging tagapagbigay-gantimpala+ doon sa mga may-pananabik na humahanap sa kaniya.+
7 Sa pananampalataya si Noe,+ pagkatapos mabigyan ng babala mula sa Diyos tungkol sa mga bagay na hindi pa nakikita,+ ay nagpakita ng makadiyos na takot at nagtayo ng arka+ ukol sa pagliligtas ng kaniyang sambahayan; at sa pamamagitan ng pananampalatayang ito ay hinatulan niya ang sanlibutan,+ at siya ay naging tagapagmana ng katuwiran+ na ayon sa pananampalataya.
8 Sa pananampalataya si Abraham,+ nang tawagin siya, ay sumunod nang lumabas patungo sa isang dako na itinalagang tanggapin niya bilang mana; at umalis siya, bagaman hindi nalalaman kung saan siya paroroon.+ 9 Sa pananampalataya ay nanirahan siya bilang dayuhan sa lupain ng pangako na gaya ng sa isang banyagang lupain,+ at tumira sa mga tolda+ na kasama sina Isaac+ at Jacob,+ ang mga kasama niyang tagapagmana ng pangako ring iyon.+ 10 Sapagkat hinihintay niya ang lunsod+ na may tunay na mga pundasyon, na ang tagapagtayo at maygawa ng lunsod na ito ay ang Diyos.+
11 Sa pananampalataya rin si Sara+ mismo ay tumanggap ng kapangyarihan na maglihi ng binhi, kahit lampas na siya sa takdang gulang,+ yamang itinuring niyang tapat siya na nangako.+ 12 Kaya mula rin sa isang tao,+ at siya na para na ring patay,+ ay may mga anak na isinilang na gaya ng mga bituin sa langit dahil sa dami at gaya ng mga buhanging nasa tabing-dagat, di-mabilang.+
13 Sa pananampalataya ang lahat ng mga ito ay namatay,+ bagaman hindi nila nakamtan ang katuparan ng mga pangako,+ ngunit nakita nila ang mga iyon mula sa malayo+ at malugod na inasahan ang mga iyon at hayagang sinabi na sila ay mga taga-ibang bayan at mga pansamantalang naninirahan sa lupain.+ 14 Sapagkat yaong mga nagsasabi ng gayong mga bagay ay nagbibigay ng katibayan na may-pananabik silang naghahanap ng kanilang sariling dako.+ 15 Gayunman, kung patuloy nga nilang inalaala ang dakong iyon na kanilang pinanggalingan,+ nagkaroon sana sila ng pagkakataong bumalik.+ 16 Ngunit ngayon ay inaabot nila ang isang mas mabuting dako, samakatuwid nga, yaong nauukol sa langit.+ Dahil dito ay hindi sila ikinahihiya ng Diyos, na matawagan bilang kanilang Diyos,+ sapagkat inihanda niya ang isang lunsod+ para sa kanila.
17 Sa pananampalataya si Abraham, nang subukin siya,+ ay para na ring inihandog si Isaac, at ang tao na may-katuwaang tumanggap ng mga pangako ay nagtangkang ihandog ang kaniyang bugtong na anak,+ 18 bagaman sinabi sa kaniya: “Ang tatawaging ‘iyong binhi’ ay magiging sa pamamagitan ni Isaac.”+ 19 Ngunit inisip niya na magagawa ng Diyos na ibangon siya kahit mula sa mga patay;+ at mula roon ay tinanggap nga rin niya siya sa makatalinghagang paraan.+
20 Sa pananampalataya rin ay pinagpala ni Isaac sina Jacob+ at Esau+ may kinalaman sa mga bagay na darating.
21 Sa pananampalataya si Jacob, nang malapit nang mamatay,+ ay pinagpala ang bawat isa sa mga anak na lalaki ni Jose+ at sumamba na nakahilig sa puno ng kaniyang baston.+
22 Sa pananampalataya si Jose, nang malapit na siyang mamatay, ay bumanggit tungkol sa pag-alis+ ng mga anak ni Israel; at nagbigay siya ng utos may kinalaman sa kaniyang mga buto.+
23 Sa pananampalataya si Moises ay itinago ng kaniyang mga magulang sa loob ng tatlong buwan pagkapanganak sa kaniya,+ sapagkat nakita nila na ang bata ay maganda+ at hindi nila kinatakutan ang utos+ ng hari. 24 Sa pananampalataya si Moises, nang malaki na,+ ay tumanggi na tawaging anak ng anak na babae ni Paraon,+ 25 na pinili pang mapagmalupitan kasama ng bayan ng Diyos kaysa sa magtamo ng pansamantalang kasiyahan sa kasalanan, 26 sapagkat itinuring niya ang kadustaan+ ni Kristo bilang kayamanan na nakahihigit kaysa sa mga kayamanan ng Ehipto; sapagkat tumingin siyang mabuti sa gantimpalang kabayaran.+ 27 Sa pananampalataya ay iniwan niya ang Ehipto,+ ngunit hindi natakot sa galit ng hari,+ sapagkat nagpatuloy siyang matatag na parang nakikita ang Isa na di-nakikita.+ 28 Sa pananampalataya ay ipinagdiwang niya ang paskuwa+ at ang pagsasaboy ng dugo,+ upang hindi galawin ng tagapuksa ang kanilang mga panganay.+
29 Sa pananampalataya ay tumawid sila sa Dagat na Pula na gaya ng sa tuyong lupa,+ ngunit nang mangahas na lumusong doon, ang mga Ehipsiyo ay nalulon.+
30 Sa pananampalataya ang mga pader ng Jerico ay bumagsak pagkatapos na maligiran ang mga iyon sa loob ng pitong araw.+ 31 Sa pananampalataya si Rahab+ na patutot ay hindi nalipol na kasama niyaong mga naging masuwayin, sapagkat tinanggap niya ang mga tiktik sa mapayapang paraan.+
32 At ano pa ang sasabihin ko? Sapagkat kukulangin ako ng panahon kung ilalahad ko pa ang tungkol kina Gideon,+ Barak,+ Samson,+ Jepte,+ David+ at gayundin ang kay Samuel+ at sa iba pang mga propeta,+ 33 na sa pamamagitan ng pananampalataya ay lumupig ng mga kaharian sa labanan,+ nagpangyari ng katuwiran,+ nagtamo ng mga pangako,+ nagtikom ng mga bibig ng mga leon,+ 34 nagpatigil ng puwersa ng apoy,+ tumakas sa talim ng tabak,+ mula sa mahinang kalagayan ay napalakas,+ naging magiting sa digmaan,+ dumaig sa mga hukbo ng mga banyaga.+ 35 Tinanggap ng mga babae ang kanilang mga patay sa pamamagitan ng pagkabuhay-muli;+ ngunit ang ibang mga tao ay pinahirapan sapagkat ayaw nilang tumanggap ng paglaya sa pamamagitan ng anumang pantubos, upang sila ay makapagkamit ng mas mabuting pagkabuhay-muli. 36 Oo, tinanggap ng iba ang kanilang pagsubok sa pamamagitan ng mga panlilibak at mga panghahagupit, higit pa nga riyan, sa pamamagitan ng mga gapos+ at mga bilangguan.+ 37 Sila ay binato,+ sila ay sinubok,+ sila ay nilagari, sila ay namatay+ sa pagpaslang sa pamamagitan ng tabak, sila ay nagpagala-gala na nakabalat-tupa,+ na nakabalat-kambing, samantalang sila ay nasa kakapusan,+ nasa kapighatian,+ pinagmamalupitan;+ 38 at ang sanlibutan ay hindi naging karapat-dapat sa kanila. Sila ay nagpagala-gala sa mga disyerto at mga bundok at mga yungib+ at mga lungga sa lupa.
39 Ngunit ang lahat ng mga ito, bagaman pinatotohanan sila dahil sa kanilang pananampalataya, ay hindi nagkamit ng katuparan ng pangako,+ 40 yamang patiunang nakita ng Diyos ang isang bagay na mas mabuti+ para sa atin,+ upang hindi sila+ mapasakdal+ nang bukod sa atin.+