Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Genesis 31:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 At dinaya ako ng inyong ama at binago niya ang aking kabayaran nang sampung ulit, ngunit hindi siya pinahintulutan ng Diyos na gawan ako ng masama.+

  • Deuteronomio 24:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 Sa kaniyang araw ay ibibigay mo sa kaniya ang kaniyang kabayaran,+ at hindi ito dapat lubugan ng araw, sapagkat siya ay nasa kagipitan at nagtataas ng kaniyang kaluluwa ukol sa kaniyang kabayaran; upang hindi siya dumaing kay Jehova laban sa iyo,+ at magiging kasalanan iyon sa ganang iyo.+

  • 1 Hari 5:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 At ngayon ay utusan mo silang pumutol para sa akin ng mga sedro mula sa Lebanon;+ at ang aking mga lingkod ang makakasama ng iyong mga lingkod, at ang kabayaran ng iyong mga lingkod ay ibibigay ko sa iyo ayon sa lahat ng iyong sabihin, sapagkat alam na alam mo na sa amin ay walang isa man ang marunong pumutol ng mga punungkahoy tulad ng mga Sidonio.”+

  • Job 7:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  2 Tulad ng isang alipin ay masidhi niyang ninanasa ang lilim,+

      At tulad ng isang upahang trabahador ay hinihintay niya ang kaniyang kabayaran.+

  • Jeremias 22:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 “Sa aba niyaong nagtatayo ng kaniyang bahay,+ ngunit hindi sa pamamagitan ng katuwiran, at ng kaniyang mga pang-itaas na silid, ngunit hindi sa pamamagitan ng katarungan, na ginagamit ang kaniyang kapuwa na naglilingkod nang walang bayad, at ang kaniyang kabayaran ay hindi niya ibinibigay sa kaniya;+

  • 1 Timoteo 5:18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 18 Sapagkat ang kasulatan ay nagsasabi: “Huwag mong bubusalan ang toro kapag ito ay gumigiik ng butil”;+ gayundin: “Ang manggagawa ay karapat-dapat sa kaniyang kabayaran.”+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share