22 At ang batong ito na aking itinayo na pinakahaligi ay magiging bahay ng Diyos,+ at sa lahat ng bagay na ibibigay mo sa akin ay walang pagsalang ibibigay ko sa iyo ang ikasampu niyaon.”+
21 “Kung mananata ka ng isang panata kay Jehova+ na iyong Diyos, huwag kang magmamabagal sa pagtupad niyaon,+ sapagkat walang pagsalang sisingilin iyon sa iyo ni Jehova na iyong Diyos, at iyon nga ay magiging kasalanan sa ganang iyo.+
4 Kailanma’t nanata ka ng isang panata sa Diyos, huwag kang mag-atubiling tuparin iyon,+ sapagkat walang kaluguran sa mga hangal.+ Ang ipinanata mo ay tuparin mo.+