7 Dahil dito ay isinugo ako ng Diyos sa unahan ninyo upang maglagay ng isang nalabi+ para sa inyo sa lupa at upang panatilihin kayong buháy sa pamamagitan ng isang malaking pagliligtas.
20 Kung tungkol sa inyo, nag-isip kayo ng masama laban sa akin. Nasa isip ng Diyos ang ikabubuti sa layuning kumilos gaya ng sa araw na ito upang ingatang buháy ang maraming tao.+
16 kaya ito ang sinabi ng Soberanong Panginoong Jehova: “Narito, inilalatag ko bilang pundasyon sa Sion+ ang isang bato,+ isang subok na bato,+ ang mahalagang panulukan+ ng isang matibay na pundasyon.+ Walang sinumang nananampalataya ang matatakot.+
42 Sinabi ni Jesus sa kanila: “Hindi ba ninyo kailanman nabasa sa Kasulatan, ‘Ang bato na itinakwil+ ng mga tagapagtayo ang siyang naging pangulong batong-panulok.+ Mula kay Jehova ay nangyari ito, at kagila-gilalas ito sa ating mga mata’?