Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Genesis 15:18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 18 Nang araw na iyon ay pinagtibay ni Jehova kay Abram ang isang tipan,+ na sinasabi: “Sa iyong binhi ay ibibigay ko ang lupaing ito,+ mula sa ilog ng Ehipto hanggang sa malaking ilog, na ilog ng Eufrates:+

  • Deuteronomio 1:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 Pumihit kayo at humayo kayo at pumasok kayo sa bulubunduking pook ng mga Amorita+ at sa lahat ng kanilang mga kalapit na bayan sa Araba,+ sa bulubunduking pook+ at sa Sepela at sa Negeb+ at sa baybaying dagat,+ na lupain ng mga Canaanita,+ at sa Lebanon,+ hanggang sa malaking ilog, na ilog ng Eufrates.+

  • Josue 1:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 Mula sa ilang at sa Lebanon na ito hanggang sa malaking ilog, na ilog ng Eufrates, samakatuwid nga, ang buong lupain ng mga Hiteo,+ at hanggang sa Malaking Dagat patungo sa lubugan ng araw ay magiging inyong teritoryo.+

  • 1 Hari 4:21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 21 Kung tungkol kay Solomon, siya ay naging tagapamahala sa lahat ng kaharian mula sa Ilog+ hanggang sa lupain ng mga Filisteo at hanggang sa hangganan ng Ehipto. Sila ay nagdadala ng mga kaloob at naglilingkod kay Solomon sa lahat ng mga araw ng kaniyang buhay.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share