18 Nang araw na iyon ay pinagtibay ni Jehova kay Abram ang isang tipan,+ na sinasabi: “Sa iyong binhi ay ibibigay ko ang lupaing ito,+ mula sa ilog ng Ehipto hanggang sa malaking ilog, na ilog ng Eufrates:+
31 “At itatatag ko ang iyong hangganan mula sa Dagat na Pula hanggang sa dagat ng mga Filisteo at mula sa ilang hanggang sa Ilog;+ sapagkat ibibigay ko sa inyong kamay ang mga tumatahan sa lupain, at tiyak na palalayasin mo sila mula sa harap mo.+
24 Ang bawat dakong tutuntungan ng talampakan ng inyong paa ay magiging inyo.+ Mula sa ilang hanggang sa Lebanon, mula sa Ilog, na ilog ng Eufrates, hanggang sa kanluraning dagat ay magiging inyong hangganan.+
3 At pinabagsak ni David si Hadadezer+ na anak ni Rehob na hari ng Zoba+ samantalang yumayaon siya upang muling ibalik ang kaniyang pamamahala sa may ilog ng Eufrates.+
16 Nang makita ng mga Siryano na natalo+ na sila sa harap ng Israel, sila ay nagsugo ng mga mensahero at inilabas ang mga Siryano na nasa pook ng Ilog,+ kasama si Sopac na pinuno ng hukbo ni Hadadezer na nasa unahan nila.