3 Kung tungkol sa akin, hahayaan kong magmatigas ang puso ni Paraon,+ at pararamihin ko nga ang aking mga tanda at ang aking mga himala sa lupain ng Ehipto.+
10Nang magkagayon ay sinabi ni Jehova kay Moises: “Pasukin mo si Paraon, sapagkat ako—hinayaan kong maging manhid+ ang kaniyang puso at ang mga puso ng kaniyang mga lingkod, upang maipakita ko ang aking mga tandang ito sa mismong harap niya,+
10 At isinagawa ni Moises at ni Aaron ang lahat ng himalang ito sa harap ni Paraon;+ ngunit hinahayaan ni Jehova na magmatigas ang puso ni Paraon, anupat hindi niya pinayaon ang mga anak ni Israel mula sa kaniyang lupain.+
30 At hindi kami pinahintulutan ni Sihon na hari ng Hesbon na dumaan sa kaniya, sapagkat hinayaan ni Jehova na iyong Diyos na magmatigas+ ang kaniyang espiritu at maging matigas ang kaniyang puso, upang ibigay siya sa iyong kamay gaya ng sa araw na ito.+
6 Isa pa, bakit ninyo gagawing manhid ang inyong puso kung paanong ginawang manhid ng Ehipto at ni Paraon ang kanilang puso?+ Hindi ba nang makitungo Siya sa kanila+ nang may kabagsikan ay pinayaon nila sila, at yumaon sila?+
20 Ngunit nang ang kaniyang puso ay magpalalo at ang kaniyang espiritu ay magmatigas, anupat kumilos nang may kapangahasan,+ siya ay ibinaba mula sa trono ng kaniyang kaharian, at ang kaniyang dangal ay inalis sa kaniya.+