21 At sinabi ni Jehova kay Moises: “Pagkayaon mo at pagkabalik mo sa Ehipto ay tiyakin mong isagawa ang lahat ng himala na inilagay ko sa iyong kamay sa harap ni Paraon.+ Kung tungkol sa akin, hahayaan kong magmatigas ang kaniyang puso;+ at hindi niya payayaunin ang bayan.+
16 Ngunit, ang totoo, sa dahilang ito ay pinanatili kitang buháy,+ upang maipakita sa iyo ang aking kapangyarihan at upang maipahayag ang aking pangalan sa buong lupa.+
6 Isa pa, bakit ninyo gagawing manhid ang inyong puso kung paanong ginawang manhid ng Ehipto at ni Paraon ang kanilang puso?+ Hindi ba nang makitungo Siya sa kanila+ nang may kabagsikan ay pinayaon nila sila, at yumaon sila?+
10 Pagpakitaan man ng lingap ang balakyot, hindi rin siya matututo ng katuwiran.+ Sa lupain ng katapatan ay gagawi siya nang walang katarungan+ at hindi niya makikita ang karilagan ni Jehova.+