3At si Moises ay naging pastol ng kawan ni Jetro,+ na saserdote ng Midian, na sa kaniya ay naging manugang siya.+ Nang inaakay niya ang kawan sa dakong kanluran ng ilang, sa kalaunan ay nakarating siya sa bundok ng tunay na Diyos,+ sa Horeb.+
18 At nakikita ng buong bayan ang mga kulog at ang mga kislap ng kidlat at ang tunog ng tambuli at ang bundok na umuusok. Nang makita iyon ng bayan, nang magkagayon ay nanginig sila at tumayo sa malayo.+
16 At ang kaluwalhatian ni Jehova+ ay patuloy na tumahan sa ibabaw ng Bundok Sinai,+ at patuloy itong tinakpan ng ulap sa loob ng anim na araw. Sa kalaunan noong ikapitong araw ay tumawag siya kay Moises mula sa gitna ng ulap.+
8 Kaya bumangon siya at kumain at uminom, at patuloy siyang yumaon sa lakas mula sa pagkaing iyon sa loob ng apatnapung araw+ at apatnapung gabi hanggang sa bundok ng tunay na Diyos, ang Horeb.+