1 Hari
19 Nang magkagayon ay sinabi ni Ahab+ kay Jezebel+ ang lahat ng ginawa ni Elias at ang buong pangyayari kung paano niya pinatay ang lahat ng propeta sa pamamagitan ng tabak.+ 2 Kaya si Jezebel ay nagsugo ng mensahero kay Elias, na sinasabi: “Gayon nawa ang gawin ng mga diyos,+ at gayon nawa ang idagdag nila roon,+ kung bukas sa ganitong oras ay hindi ko gawing tulad ng kaluluwa ng bawat isa sa kanila ang iyong kaluluwa!” 3 At siya ay natakot. Dahil dito ay bumangon siya at nagsimulang yumaon para sa kaniyang kaluluwa+ at dumating sa Beer-sheba,+ na sakop ng Juda.+ Pagkatapos ay iniwan niya roon ang kaniyang tagapaglingkod. 4 At siya ay pumaroon sa ilang na isang araw na paglalakbay, at nang maglaon ay dumating at umupo sa ilalim ng isang punong retama.+ At pinasimulan niyang hilingin na ang kaniyang kaluluwa ay mamatay na sana at nagsabi: “Sapat na! Ngayon, O Jehova, kunin mo ang aking kaluluwa,+ sapagkat hindi ako mabuti kaysa sa aking mga ninuno.”
5 Nang maglaon ay humiga siya at nakatulog sa ilalim ng punong retama.+ Ngunit, narito! ngayon ay isang anghel+ ang humipo+ sa kaniya. Pagkatapos ay sinabi niya sa kaniya: “Bumangon ka, kumain ka.” 6 Nang tumingin siya, aba, doon sa kaniyang ulunan ay may tinapay na bilog+ sa ibabaw ng pinainit na mga bato at isang banga ng tubig. At siya ay nagsimulang kumain at uminom, pagkatapos ay humiga siyang muli. 7 Nang maglaon ay bumalik ang anghel+ ni Jehova sa ikalawang pagkakataon at hinipo siya at sinabi: “Bumangon ka, kumain ka, sapagkat ang paglalakbay ay napakahirap para sa iyo.”+ 8 Kaya bumangon siya at kumain at uminom, at patuloy siyang yumaon sa lakas mula sa pagkaing iyon sa loob ng apatnapung araw+ at apatnapung gabi hanggang sa bundok ng tunay na Diyos, ang Horeb.+
9 Nang maglaon ay pumasok siya roon sa isang yungib,+ upang makapagpalipas siya ng gabi roon; at, narito! may salita ni Jehova para sa kaniya, at ito ay nagsabi sa kaniya: “Ano ang ginagawa mo rito, Elias?”+ 10 Dito ay sinabi niya: “Lubos akong naging mapanibughuin+ para kay Jehova na Diyos ng mga hukbo; sapagkat iniwan ng mga anak ni Israel ang iyong tipan,+ ang iyong mga altar ay giniba nila,+ at ang iyong mga propeta ay pinatay nila sa pamamagitan ng tabak,+ anupat ako lamang ang natira;+ at pinasisimulan nilang hanapin ang aking kaluluwa upang kunin.”+ 11 Ngunit sinabi nito: “Lumabas ka, at tumayo ka sa bundok sa harap ni Jehova.”+ At, narito! si Jehova ay dumaraan,+ at may malaki at malakas na hangin na humahati sa mga bundok at bumabasag sa malalaking bato sa harap ni Jehova.+ (Si Jehova ay wala sa hangin.) At kasunod ng hangin ay may pagyanig.+ (Si Jehova ay wala sa pagyanig.) 12 At kasunod ng pagyanig ay may apoy.+ (Si Jehova ay wala sa apoy.) At kasunod ng apoy ay may isang kalmado at mahinang tinig.+ 13 At nangyari, nang marinig iyon ni Elias, kaagad niyang ibinalot sa kaniyang mukha ang kaniyang opisyal na kasuutan+ at lumabas at tumayo sa pasukan ng yungib; at, narito! may isang tinig para sa kaniya, at iyon ay nagsabi sa kaniya: “Ano ang ginagawa mo rito, Elias?”+ 14 Dito ay sinabi niya: “Lubos akong naging mapanibughuin para kay Jehova na Diyos ng mga hukbo; sapagkat iniwan ng mga anak ni Israel ang iyong tipan,+ ang iyong mga altar ay giniba nila, at ang iyong mga propeta ay pinatay nila sa pamamagitan ng tabak, anupat ako lamang ang natira; at pinasisimulan nilang hanapin ang aking kaluluwa upang kunin.”+
15 Si Jehova ngayon ay nagsabi sa kaniya: “Yumaon ka, bumalik ka sa iyong lakad patungo sa ilang ng Damasco;+ at pumaroon ka at pahiran+ mo si Hazael+ bilang hari sa Sirya. 16 At si Jehu+ na apo ni Nimsi+ ay pahiran mo bilang hari sa Israel; at si Eliseo+ na anak ni Sapat mula sa Abel-mehola+ ay pahiran mo bilang propeta na kahalili mo.+ 17 At mangyayari nga na ang makatatakas mula sa tabak ni Hazael,+ si Jehu ang papatay;+ at ang makatatakas mula sa tabak ni Jehu, si Eliseo ang papatay.+ 18 At nag-iwan ako ng pitong libo sa Israel,+ ang lahat ng tuhod na hindi lumuhod kay Baal,+ at ang bawat bibig na hindi humalik+ sa kaniya.”
19 Sa gayon ay yumaon siya mula roon at nasumpungan si Eliseo na anak ni Sapat habang nag-aararo+ siya na may labindalawang pareha sa unahan niya, at kasabay siya ng ikalabindalawa. Kaya tumawid si Elias patungo sa kaniya at inihagis sa kaniya ang opisyal na kasuutan+ niya. 20 Dahil doon ay iniwan niya ang mga toro at hinabol si Elias at sinabi: “Pakisuyo, pahintulutan mo akong humalik sa aking ama at sa aking ina.+ Pagkatapos ay susunod ako sa iyo.” Dahil dito ay sinabi niya sa kaniya: “Yumaon ka, bumalik ka; sapagkat ano ba ang ginawa ko sa iyo?” 21 Kaya bumalik siya mula sa pagsunod sa kaniya at pagkatapos ay kumuha ng isang pareha ng mga toro at inihain+ ang mga iyon, at sa pamamagitan ng mga kagamitan+ ng mga toro ay pinakuluan niya ang kanilang karne at ibinigay iyon sa bayan, at kumain sila. Pagkatapos ay tumindig siya at sumunod kay Elias at nagsimulang maglingkod+ sa kaniya.