Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 4:21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 21 At sinabi ni Jehova kay Moises: “Pagkayaon mo at pagkabalik mo sa Ehipto ay tiyakin mong isagawa ang lahat ng himala na inilagay ko sa iyong kamay sa harap ni Paraon.+ Kung tungkol sa akin, hahayaan kong magmatigas ang kaniyang puso;+ at hindi niya payayaunin ang bayan.+

  • Exodo 8:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 Nang makita ni Paraon na nagkaroon ng kaginhawahan, ginawa niyang manhid ang kaniyang puso;+ at hindi siya nakinig sa kanila, gaya ng sinalita ni Jehova.+

  • Deuteronomio 2:30
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 30 At hindi kami pinahintulutan ni Sihon na hari ng Hesbon na dumaan sa kaniya, sapagkat hinayaan ni Jehova na iyong Diyos na magmatigas+ ang kaniyang espiritu at maging matigas ang kaniyang puso, upang ibigay siya sa iyong kamay gaya ng sa araw na ito.+

  • Josue 11:20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 20 Sapagkat naging pamamaraan nga ni Jehova na hayaang magpakasutil+ ang kanilang mga puso anupat magdeklara ng digmaan laban sa Israel, nang sa gayon ay maitalaga niya sila sa pagkapuksa, upang hindi sila tumanggap ng anumang paglingap,+ kundi malipol nga niya sila, gaya ng iniutos ni Jehova kay Moises.+

  • Roma 9:18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 18 Sa gayon nga, ang sinumang nais niya ay kinaaawaan niya,+ ngunit ang sinumang nais niya ay hinahayaan niyang magmatigas.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share