Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 13:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 At sasabihin mo sa iyong anak sa araw na iyon, na sinasabi, ‘Ito ay dahil doon sa ginawa ni Jehova sa akin nang lumabas ako mula sa Ehipto.’+

  • Deuteronomio 4:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 “Bantayan mo lamang ang iyong sarili at ingatan mong mabuti ang iyong kaluluwa,+ upang hindi mo makalimutan ang mga bagay na nakita ng iyong mga mata+ at upang hindi mahiwalay ang mga iyon sa iyong puso sa lahat ng mga araw ng iyong buhay;+ at ipaaalam mo ang mga iyon sa iyong mga anak at sa iyong mga apo,+

  • Deuteronomio 6:21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 21 sasabihin mo nga sa iyong anak, ‘Kami ay naging mga alipin ni Paraon sa Ehipto, ngunit inilabas kami ni Jehova mula sa Ehipto sa pamamagitan ng isang malakas na kamay.+

  • Awit 44:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 44 O Diyos, narinig namin ng aming pandinig,

      Isinalaysay sa amin ng aming mga ninuno+

      Ang gawang isinagawa mo noong kanilang mga araw,+

      Noong mga araw ng sinaunang panahon.+

  • Awit 78:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  5 At nagbangon siya ng paalaala sa Jacob,+

      At nagtakda siya ng kautusan sa Israel,+

      Mga bagay na iniutos niya sa ating mga ninuno,+

      Upang ipaalam ang mga iyon sa kanilang mga anak;+

  • Joel 1:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 Ang tungkol doon ay isaysay ninyo sa inyong sariling mga anak, at ang inyong mga anak ay sa kanilang mga anak, at ang kanilang mga anak ay sa kasunod na salinlahi.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share