Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Levitico 22:19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 19 upang kamtin ninyo ang pagsang-ayon+ ay dapat na malusog iyon,+ isang lalaki mula sa bakahan, mula sa mga batang barakong tupa o mula sa mga kambing.

  • Deuteronomio 17:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 “Huwag kang maghahain kay Jehova na iyong Diyos ng isang toro o isang tupa na may kapintasan, anumang masama; sapagkat iyon ay isang bagay na karima-rimarim kay Jehova na iyong Diyos.+

  • Malakias 1:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 “At sumpain siya na kumikilos nang may katusuhan kapag may hayop na lalaki sa kaniyang kawan, at siya ay nananata at naghahain kay Jehova ng isang may pinsala.+ Sapagkat ako ay dakilang Hari,”+ ang sabi ni Jehova ng mga hukbo, “at ang aking pangalan ay magiging kakila-kilabot sa gitna ng mga bansa.”+

  • Hebreo 7:26
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 26 Sapagkat ang ganitong mataas na saserdote ay nararapat para sa atin,+ matapat,+ walang katusuhan,+ walang dungis,+ hiwalay sa mga makasalanan,+ at naging mas mataas kaysa sa langit.+

  • Hebreo 9:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 gaano pa ngang higit na ang dugo+ ng Kristo, na sa pamamagitan ng walang-hanggang espiritu ay naghandog+ ng kaniyang sarili nang walang dungis sa Diyos, ay makapaglilinis+ ng ating mga budhi mula sa patay na mga gawa+ upang makapag-ukol tayo ng sagradong paglilingkod+ sa Diyos na buháy?

  • 1 Pedro 1:19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 19 Kundi iyon ay sa pamamagitan ng mahalagang dugo,+ tulad niyaong sa walang-dungis at walang-batik na kordero,+ kay Kristo+ mismo.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share