19 At ang anghel+ ng tunay na Diyos na nauuna sa kampo ng Israel ay humiwalay at pumaroon sa likuran nila, at ang haliging ulap ay humiwalay mula sa unahan nila at lumagay sa likuran nila.+
15 At nang araw na itayo ang tabernakulo+ ay tinakpan ng ulap ang tabernakulo ng tolda ng Patotoo,+ ngunit sa kinagabihan yaong waring apoy+ ay nanatili sa ibabaw ng tabernakulo hanggang sa kinaumagahan.
33 na siyang humahayo sa unahan ninyo sa daan upang maniktik para sa inyo ng isang dakong mapagkakampuhan ninyo,+ sa pamamagitan ng apoy sa gabi upang makita ninyo kung anong daan ang inyong lalakaran at sa pamamagitan ng isang ulap sa araw.+
12 At sa pamamagitan ng isang haliging ulap ay pinatnubayan mo sila sa araw,+ at sa pamamagitan ng isang haliging apoy sa gabi,+ upang liwanagan+ para sa kanila ang daan na dapat nilang lakaran.