Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Levitico 26:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 26 “‘Huwag kayong gagawa ng walang-silbing mga diyos para sa inyong sarili,+ at huwag kayong magtatayo ng inukit na imahen+ o ng sagradong haligi para sa inyong sarili, at huwag kayong maglalagay ng isang bato bilang rebulto+ sa inyong lupain upang yukuran ito;+ sapagkat ako ay si Jehova na inyong Diyos.

  • Deuteronomio 4:16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 16 upang hindi kayo gumawi nang kapaha-pahamak+ at hindi nga kayo gumawa para sa inyong sarili ng isang inukit na imahen, na anyo ng anumang sagisag, na kawangis ng lalaki o babae,+

  • Deuteronomio 5:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 “ ‘Huwag kang gagawa para sa iyo ng inukit na imahen,+ ng anumang anyo+ na tulad ng anumang nasa langit sa itaas o nasa lupa sa ibaba o nasa tubig sa ilalim ng lupa.

  • Isaias 40:25
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 25 “Ngunit kanino ninyo ako maitutulad upang ako ay makapantay niya?” ang sabi ng Banal.+

  • Gawa 17:29
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 29 “Kung gayon, yamang tayo ay mga supling ng Diyos,+ hindi natin dapat akalain na ang Isa na Diyos+ ay tulad ng ginto o ng pilak o ng bato, tulad ng isang bagay na nililok ng sining at katha ng tao.+

  • 1 Corinto 8:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 Ngayon may kinalaman sa pagkain+ ng mga pagkaing inihandog sa mga idolo, alam natin na ang isang idolo ay walang anuman+ sa sanlibutan, at na walang Diyos maliban sa isa.+

  • Apocalipsis 9:20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 20 Ngunit ang mga nalabi sa mga tao na hindi napatay ng mga salot na ito ay hindi nagsisi sa mga gawa ng kanilang mga kamay,+ upang hindi nila sambahin ang mga demonyo+ at ang mga idolo na ginto at pilak+ at tanso at bato at kahoy, na hindi nakakakita ni nakaririnig ni nakalalakad;+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share