4 “Huwag kang gagawa para sa iyo ng inukit na imahen o ng anyo na tulad ng anumang nasa langit sa itaas o nasa lupa sa ibaba o nasa tubig sa ilalim ng lupa.+
4 Huwag kayong babaling sa walang-silbing mga diyos,+ at huwag kayong gagawa ng binubong mga diyos para sa inyong sarili.+ Ako ay si Jehova na inyong Diyos.
29 “Kung gayon, yamang tayo ay mga supling ng Diyos,+ hindi natin dapat akalain na ang Isa na Diyos+ ay tulad ng ginto o ng pilak o ng bato, tulad ng isang bagay na nililok ng sining at katha ng tao.+
4 Ngayon may kinalaman sa pagkain+ ng mga pagkaing inihandog sa mga idolo, alam natin na ang isang idolo ay walang anuman+ sa sanlibutan, at na walang Diyos maliban sa isa.+