Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 22:25
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 25 “Kung magpapahiram ka ng salapi sa aking bayan, sa napipighati na kasama mo,+ huwag kang maging gaya ng usurero sa kaniya. Huwag kayong magpapatong ng interes sa kaniya.+

  • Deuteronomio 23:19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 19 “Huwag mong sisingilin ng patubo ang iyong kapatid,+ patubo sa salapi, patubo sa pagkain,+ patubo sa anumang bagay na maaaring pagtubuan.

  • Nehemias 5:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 Kaya ang aking puso ay nagbulay-bulay sa loob ko, at pinasimulan kong kakitaan ng pagkakamali+ ang mga taong mahal at ang mga kinatawang tagapamahala, at sinabi ko sa kanila: “Labis na patubo+ ang inyong ipinapataw, ng bawat isa mula sa kaniyang sariling kapatid.”

      Karagdagan pa, nagsaayos ako ng isang malaking kapulungan dahil sa kanila.+

  • Awit 15:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  5 Ang kaniyang salapi ay hindi niya ibinibigay na may patubo,+

      At hindi siya tumatanggap ng suhol laban sa walang-sala.+

      Siyang gumagawa ng mga bagay na ito ay hindi kailanman makikilos.+

  • Kawikaan 28:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 Siyang nagpaparami ng kaniyang mga pag-aari sa pamamagitan ng interes+ at labis na patubo ay nag-iipon lamang ng mga iyon para sa isa na nagpapakita ng lingap sa mga maralita.+

  • Ezekiel 18:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 Nagbigay siya nang may labis na patubo,+ at kumuha siya ng interes,+ at tiyak na hindi siya mananatiling buháy. Ang lahat ng mga karima-rimarim na bagay na ito ay ginawa niya.+ Siya ay tiyak na papatayin. Sasakaniya ang kaniyang sariling dugo.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share