Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 22:25
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 25 “Kung magpapahiram ka ng salapi sa aking bayan, sa napipighati na kasama mo,+ huwag kang maging gaya ng usurero sa kaniya. Huwag kayong magpapatong ng interes sa kaniya.+

  • Levitico 25:36
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 36 Huwag kang kukuha ng interes at labis na patubo mula sa kaniya,+ kundi matakot ka sa iyong Diyos;+ at ang iyong kapatid ay mananatiling buháy na kasama mo.

  • Nehemias 5:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 At gayundin ako, ang aking mga kapatid at ang aking mga tagapaglingkod ay nagpapautang ng salapi at ng butil sa kanila. Tigilan natin, pakisuyo, itong pagpapahiram na may patubo.+

  • Awit 15:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  5 Ang kaniyang salapi ay hindi niya ibinibigay na may patubo,+

      At hindi siya tumatanggap ng suhol laban sa walang-sala.+

      Siyang gumagawa ng mga bagay na ito ay hindi kailanman makikilos.+

  • Ezekiel 18:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 wala siyang anumang ibinibigay na may interes+ at hindi siya kumukuha ng labis na patubo;+ mula sa kawalang-katarungan ay iniuurong niya ang kaniyang kamay;+ ang tunay na katarungan ay inilalapat niya sa pagitan ng tao at tao;+

  • Ezekiel 22:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 Sa iyo ay tumanggap sila ng suhol sa layuning magbubo ng dugo.+ Ang interes+ at labis na patubo ay kinuha mo,+ at marahas kang nagtitipon ng pakinabang+ mula sa iyong mga kasamahan nang may pandaraya,+ at ako ay nilimot mo,’+ ang sabi ng Soberanong Panginoong Jehova.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share