Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Deuteronomio 28:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 Bubuksan sa iyo ni Jehova ang kaniyang mabuting imbakan, ang langit, upang bigyan ng ulan ang iyong lupain sa kapanahunan nito+ at upang pagpalain ang bawat gawa ng iyong kamay;+ at tiyak na magpapahiram ka sa maraming bansa, samantalang ikaw ay hindi manghihiram.+

  • Isaias 30:23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 23 At tiyak na ibibigay niya ang ulan para sa iyong binhi na inihahasik mo sa lupa,+ at bilang bunga ng lupa ay tinapay, na magiging mataba at malangis.+ Ang iyong mga alagang hayop ay manginginain sa araw na iyon sa isang malawak na pastulan.+

  • Ezekiel 34:26
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 26 At sila at ang mga dakong nakapalibot sa aking burol ay gagawin kong isang pagpapala,+ at ang bumubuhos na ulan ay palalagpakin ko sa kapanahunan nito. Magkakaroon nga ng mga bumubuhos na ulan ng pagpapala.+

  • Joel 2:23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 23 At kayong mga anak ng Sion ay magalak at magsaya kay Jehova na inyong Diyos;+ sapagkat ibibigay niya sa inyo ang ulan sa taglagas sa tamang sukat,+ at palalagpakin niya sa inyo ang buhos ng ulan, ulan sa taglagas at ulan sa tagsibol, gaya noong una.+

  • Amos 4:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 “ ‘At tungkol naman sa akin, ipinagkait ko rin sa inyo ang ulan gayong tatlong buwan pa bago ang pag-aani;+ at nagpaulan ako sa isang lunsod, ngunit sa isa pang lunsod ay hindi ako nagpapaulan. May isang lupain na inuulanan, ngunit ang lupain na hindi ko pinauulanan ay natutuyo.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share