Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Genesis 12:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 at gagawa ako ng isang dakilang bansa mula sa iyo at pagpapalain kita at padadakilain ko ang iyong pangalan; at ikaw ay maging isang pagpapala.+

  • Levitico 26:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 tiyak na ibibigay ko rin sa inyo ang mga buhos ng ulan sa kanilang tamang panahon,+ at ibibigay nga ng lupain ang kaniyang ani,+ at ibibigay ng punungkahoy sa parang ang kaniyang bunga.+

  • Deuteronomio 28:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 Bubuksan sa iyo ni Jehova ang kaniyang mabuting imbakan, ang langit, upang bigyan ng ulan ang iyong lupain sa kapanahunan nito+ at upang pagpalain ang bawat gawa ng iyong kamay;+ at tiyak na magpapahiram ka sa maraming bansa, samantalang ikaw ay hindi manghihiram.+

  • Awit 68:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  9 Nagsimula kang magpabuhos ng saganang ulan, O Diyos;+

      Ang iyong mana, maging nang ito ay nanghihimagod—muli mo nga itong pinalakas.+

  • Kawikaan 10:22
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 22 Ang pagpapala ni Jehova—iyon ang nagpapayaman,+ at hindi niya iyon dinaragdagan ng kirot.+

  • Zacarias 8:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 At mangyayari nga na kung paanong kayo ay naging sumpa sa gitna ng mga bansa, + O sambahayan ni Juda at sambahayan ng Israel, + gayon ko kayo ililigtas, at kayo ay magiging pagpapala. + Huwag kayong matakot. + Magpakalakas ang inyong mga kamay.’ +

  • Malakias 3:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 Dalhin ninyo sa kamalig ang lahat ng ikasampung bahagi,+ upang magkaroon ng pagkain sa aking bahay;+ at subukin ninyo ako sa bagay na ito,+ pakisuyo,” ang sabi ni Jehova ng mga hukbo, “kung hindi ko bubuksan sa inyo ang mga pintuan ng tubig sa langit+ at ibubuhos sa inyo ang isang pagpapala hanggang sa wala nang kakulangan.”+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share