Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 28:38
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 38 At ito ay malalagay sa noo ni Aaron, at si Aaron ang mananagot dahil sa kamaliang nagawa laban sa mga banal na bagay,+ na pababanalin ng mga anak ni Israel, samakatuwid ay lahat ng kanilang mga banal na kaloob; at ito ay palaging mananatili sa kaniyang noo, upang kamtin nila ang pagsang-ayon+ sa harap ni Jehova.

  • Bilang 18:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 18 At sinabi ni Jehova kay Aaron: “Ikaw at ang iyong mga anak at ang sambahayan ng iyong ama na kasama mo ang mananagot dahil sa kamalian laban sa santuwaryo,+ at ikaw at ang iyong mga anak na kasama mo ang mananagot dahil sa kamalian laban sa inyong pagkasaserdote.+

  • Isaias 53:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 Dahil sa kabagabagan ng kaniyang kaluluwa ay makakakita siya,+ masisiyahan siya.+ Sa pamamagitan ng kaniyang kaalaman ang matuwid, ang aking lingkod,+ ay magdadala ng matuwid na katayuan sa maraming tao;+ at ang kanilang mga kamalian ay kaniyang papasanin.+

  • Juan 1:29
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 29 Nang sumunod na araw ay nakita niya si Jesus na papalapit sa kaniya, at sinabi niya: “Tingnan ninyo, ang Kordero+ ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan+ ng sanlibutan!+

  • 2 Corinto 5:21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 21 Ang isa na hindi nakakilala ng kasalanan+ ay ginawa niyang kasalanan+ para sa atin, upang kami ay maging katuwiran ng Diyos+ sa pamamagitan niya.

  • Hebreo 9:28
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 28 kaya gayundin inihandog ang Kristo nang minsanan+ upang dalhin ang mga kasalanan ng marami;+ at sa ikalawang pagkakataon+ na siya ay magpapakita,+ ito ay hiwalay sa kasalanan+ at doon sa mga marubdob na naghahanap sa kaniya para sa kanilang kaligtasan.+

  • 1 Pedro 2:24
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 24 Siya mismo ang nagdala ng ating mga kasalanan+ sa kaniyang sariling katawan sa tulos,+ upang tayo ay matapos na sa mga kasalanan+ at mabuhay sa katuwiran. At “sa pamamagitan ng kaniyang mga latay ay napagaling kayo.”+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share