Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 20:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 “Huwag kang mangangalunya.+

  • Levitico 20:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 “‘Ang isang lalaki na nangangalunya sa asawa ng ibang lalaki ay nangangalunya sa asawa ng kaniyang kapuwa.+ Siya ay papatayin nang walang pagsala, ang lalaking nangalunya at gayundin ang babaing nangalunya.+

  • Deuteronomio 22:22
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 22 “Kung ang isang lalaki ay masumpungang sumisiping sa isang babaing pag-aari ng isang may-ari,+ silang dalawa ay dapat ngang mamatay na magkasama, ang lalaking sumiping sa babae at ang babae.+ Gayon mo aalisin ang kasamaan sa Israel.+

  • 2 Samuel 11:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 Pagkatapos ay nagsugo si David ng mga mensahero upang makuha niya ito.+ Sa gayon ay pumaroon ito sa kaniya+ at sinipingan niya ito,+ habang pinababanal nito ang sarili mula sa kaniyang karumihan.+ Sa kalaunan ay bumalik ito sa kaniyang bahay.

  • Kawikaan 6:29
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 29 Gayundin sa sinumang sumisiping sa asawa ng kaniyang kapuwa,+ walang sinumang humihipo sa kaniya ang mananatiling di-naparurusahan.+

  • Mateo 5:27
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 27 “Narinig ninyo na sinabi, ‘Huwag kang mangangalunya.’+

  • 1 Corinto 6:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 Ano! Hindi ba ninyo alam na ang mga taong di-matuwid ay hindi magmamana ng kaharian ng Diyos?+ Huwag kayong palíligaw. Hindi ang mga mapakiapid,+ ni ang mga mananamba sa idolo,+ ni ang mga mangangalunya,+ ni ang mga lalaking iniingatan ukol sa di-likas na mga layunin,+ ni ang mga lalaking sumisiping sa mga lalaki,+

  • Hebreo 13:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 Maging marangal nawa ang pag-aasawa sa gitna ng lahat, at maging walang dungis ang higaang pangmag-asawa,+ sapagkat hahatulan ng Diyos ang mga mapakiapid at mga mangangalunya.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share