1 Corinto
6 Ang sinuman ba sa inyo na may usapin+ laban sa iba ay nangangahas na magtungo sa hukuman sa harap ng mga taong di-matuwid,+ at hindi sa harap ng mga banal?+ 2 O hindi ba ninyo alam na ang mga banal ang hahatol+ sa sanlibutan?+ At kung hahatulan ninyo ang sanlibutan, hindi ba kayo karapat-dapat na lumitis sa napakaliliit+ na mga bagay? 3 Hindi ba ninyo alam na hahatol tayo sa mga anghel?+ Kung gayon, bakit hindi rin sa mga bagay-bagay sa buhay na ito? 4 Kaya nga, kung may lilitisin kayong mga bagay-bagay sa buhay na ito,+ ang mga lalaki bang hinahamak sa kongregasyon ang inilalagay ninyo bilang mga hukom?+ 5 Nagsasalita ako upang makadama kayo ng kahihiyan.+ Totoo ba na wala ni isa mang taong marunong+ sa gitna ninyo na makahahatol sa pagitan ng kaniyang mga kapatid, 6 kundi ang kapatid ay nagtutungo sa hukuman kasama ng kapatid, at sa harap pa ng mga di-sumasampalataya?+
7 Kung gayon, tunay ngang nangangahulugan ng lubusan ninyong pagkatalo ang pagkakaroon ninyo ng mga hablahan+ sa isa’t isa. Bakit hindi na lamang ninyo hayaang gawan kayo ng mali?+ Bakit hindi na lamang ninyo hayaang dayain kayo?+ 8 Sa halip, kayo ay gumagawa ng mali at nandaraya, at sa inyong mga kapatid pa man din.+
9 Ano! Hindi ba ninyo alam na ang mga taong di-matuwid ay hindi magmamana ng kaharian ng Diyos?+ Huwag kayong palíligaw. Hindi ang mga mapakiapid,+ ni ang mga mananamba sa idolo,+ ni ang mga mangangalunya,+ ni ang mga lalaking iniingatan ukol sa di-likas na mga layunin,+ ni ang mga lalaking sumisiping sa mga lalaki,+ 10 ni ang mga magnanakaw, ni ang mga taong sakim,+ ni ang mga lasenggo,+ ni ang mga manlalait, ni ang mga mangingikil ang magmamana ng kaharian ng Diyos.+ 11 Gayunma’y ganiyan ang ilan sa inyo noon.+ Ngunit hinugasan na kayong malinis,+ ngunit pinabanal na kayo,+ ngunit ipinahayag na kayong matuwid+ sa pangalan ng ating Panginoong Jesu-Kristo+ at sa espiritu ng ating Diyos.+
12 Ang lahat ng bagay ay matuwid para sa akin; ngunit hindi lahat ng bagay ay kapaki-pakinabang.+ Ang lahat ng bagay ay matuwid+ para sa akin; ngunit hindi ako pasasailalim sa awtoridad ng anumang bagay.+ 13 Ang mga pagkain ay para sa tiyan, at ang tiyan ay para sa mga pagkain;+ ngunit papawiin ng Diyos kapuwa iyon at ang mga ito.+ Ngayon ang katawan ay hindi para sa pakikiapid, kundi para sa Panginoon;+ at ang Panginoon ay para sa katawan.+ 14 Ngunit kapuwa ibinangon ng Diyos ang Panginoon+ at ibabangon naman tayo mula sa kamatayan+ sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan.+
15 Hindi ba ninyo alam na ang inyong mga katawan ay mga sangkap+ ni Kristo?+ Kung gayon, kukunin ko ba ang mga sangkap ng Kristo at gagawin silang mga sangkap ng isang patutot?+ Huwag nawang mangyari iyan! 16 Ano! Hindi ba ninyo alam na siya na nakikisama sa isang patutot ay iisang katawan? Sapagkat, “Ang dalawa,” sabi niya, “ay magiging isang laman.”+ 17 Ngunit siya na nakikisama sa Panginoon ay iisang+ espiritu.+ 18 Tumakas kayo mula sa pakikiapid.+ Ang lahat ng iba pang kasalanan na magagawa ng isang tao ay nasa labas ng kaniyang katawan, ngunit siya na namimihasa sa pakikiapid ay nagkakasala laban sa kaniyang sariling katawan.+ 19 Ano! Hindi ba ninyo alam na ang katawan ninyo ang siyang templo+ ng banal na espiritu na nasa loob ninyo,+ na taglay ninyo mula sa Diyos? Gayundin, hindi ninyo pag-aari ang inyong sarili,+ 20 sapagkat binili kayo sa isang halaga.+ Luwalhatiin nga ninyo ang Diyos+ sa inyong katawan.+