1 Corinto
5 Ang totoo ay may nababalitang pakikiapid+ sa gitna ninyo, at ang gayong pakikiapid ay wala kahit sa gitna man ng mga bansa, na kinuha ng isang lalaki ang asawa ng kaniyang ama.+ 2 At nagmamalaki ba kayo,+ at hindi ba kayo sa halip ay nagdalamhati,+ upang ang tao na gumawa ng gawang ito ay alisin sa gitna ninyo?+ 3 Ako mismo, bagaman wala riyan sa katawan ngunit naririyan sa espiritu, ay talagang humatol na,+ na para bang naririyan ako, sa taong gumawa ng ganitong bagay, 4 upang sa pangalan ng ating Panginoong Jesus, kapag nagkakatipon kayo, gayundin ang aking espiritu taglay ang kapangyarihan ng ating Panginoong Jesus,+ 5 ay ibigay ninyo ang gayong tao kay Satanas+ para sa pagkapuksa ng laman, upang ang espiritu+ ay maligtas sa araw ng Panginoon.+
6 Ang dahilan ng inyong paghahambog+ ay hindi mabuti. Hindi ba ninyo alam na ang kaunting lebadura ay nagpapaalsa+ sa buong limpak?+ 7 Alisin ninyo ang lumang lebadura, upang kayo ay maging isang bagong limpak,+ yamang sa inyo ay walang pampaalsa. Sapagkat si Kristo+ nga na ating paskuwa+ ay inihain na.+ 8 Dahil dito ay ipagdiwang natin ang kapistahan,+ hindi sa lumang lebadura,+ ni sa lebadura+ ng kasamaan at kabalakyutan,+ kundi sa mga walang-pampaalsang tinapay ng kataimtiman at katotohanan.+
9 Sa aking liham ay sinulatan ko kayo na tigilan ang pakikihalubilo sa mga mapakiapid, 10 hindi ang ibig sabihin ay sa lahat ng mapakiapid+ sa sanlibutang ito+ o sa mga taong sakim at mga mangingikil o mga mananamba sa idolo. Sapagkat kung gayon, kailangang umalis na nga kayo sa sanlibutan.+ 11 Ngunit ngayon ay isinusulat ko sa inyo na tigilan ang pakikihalubilo+ sa sinumang tinatawag na kapatid na isang mapakiapid o taong sakim+ o mananamba sa idolo o manlalait o lasenggo+ o mangingikil, na huwag man lamang kumaing kasama ng gayong tao. 12 Sapagkat ano ang kinalaman ko sa paghatol sa mga nasa labas?+ Hindi ba ninyo hinahatulan yaong mga nasa loob,+ 13 samantalang ang Diyos ang humahatol sa mga nasa labas?+ “Alisin ninyo ang taong balakyot mula sa gitna ninyo.”+